Chapter 6: Getting closer

359 15 0
                                    


Chapter 6: Getting Closer

Abala ako sa pagtotoothbrush nang magring ang aking cellphone. Nakapamewang akong naglakad palapit sa aking kama at niloud speaker ang cellphone.

"Ysa, nakapagtanong na 'ko sa mga pulis stations malapit sa bar pero wala namang report na may nagsauli ng kwintas." saglit akong nagmumog at pinunasan ang labi bago sumagot sa lalaki.

"Thank you Luke but you don't need to do it. Like what I said ako ang nakawala ako din maghahanap." sumandal ako sa sink habang nakikinig sa tawag.

"But I can't help lalo't alam kong mahalaga iyon sa'yo." bahagya akong napangiti sa turan niya.

"Salamat Luke, thank you."

"You're always welcome, Ysana." ani nito bago pinatay ang tawag.

I sighed. I went to the drawer and bought some clothes to wear. Kinuha ko ang bago kong bili na oversized shirts from uniqlo at isang checkered na skirt. I love wearing skirts dahil napakainit dito sa pinas kulang nalang magbikini ka sa labas para lang hindi mainitan. I paired it with a long brown sucks. Nice, it looks cute.

Wala akong ganap ngayon. Katatapos lang ng pageant. Siguro bibistahin ko nalang si Ziah. I-cocongrats dahil nanalo siya kagabi. Hindi ko na tinapos ang program dahil sobra na talaga akong naantok. At saka hindi naman ako mahalaga doon. Marami namang nakasuporta sa tatlong pambato namin.

Kinuha ko ang aking gold watch na nasa aking kama at nagtungo na sa pinto upang buksan iyon. Paglakad ko patungong sala kumuha ako ng sticky notes na nasa itaas ng ref at nag-iwan ng notes para kay Luke.

I'll be home late. Do whatever you want, don't think about me.

Idinikit ko sa pinto ng refrigerator ang notes at umalis na. Maybe pasaway ako kay Luke pero syempre nag-aalala din ako sa kanya. Masiyado na niyang ginugugol ang oras upang bantayan ako. Paano naman ang kasiyahan niya diba? Kaya as much as possible need kong sungitan siya para naman mainis na siya sa akin tapos iwan na niya 'ko. May sarili din naman kasi siyang buhay. Masiyado niyang kinacareer yung pag-aalaga sa akin. I'm already an adult kaya ko na ang sarili ko. Dati hinayaan ko lang siya kasi minor pa 'ko pero ngayon it's time naman siguro na sarili naman niya ang atupagin niya.

I booked angkas patungo sa address ng tatlong magkakaibigan. Nalaman ko kahapon na iisa lang pala ang apartment na tinitirhan nila. Gusto ko lang sila bisitahin hindi naman sa pagiging close pero dahil make-up artist ako ni Ziah alam kong makakasama ko sila ng matagal-tagal.

I paid 150 pesos kay kuya rider at nagpasalamat. Matapos nun ay naglakad na 'ko upang hanapin ang apartment nila Ziah. Medyo naging uncomfortable pa 'ko dahil ang daming tumitingin sa akin. Dahil ba sa suot ko?

Nagitla ako ng biglang may dalawang batang babae na lumapit sa akin. "Ate mukha ka pong anime." ani nito.

"Hindi, mukhang japanese si Ate hindi anime kaikai." turan ng isa.

Matamis ko silang nginitian. Mukhang balak pa nilang magtalo sa harap ko kaya agad na 'kong nagsalita. "Ah kids alam niyo ba saan nakatira si Ziah, Tonia at Rica?" sabay tumango ang dalawang bata.

Hinawakan nila ang magkabila kong kamay at hinila ako. Agad naman akong nagpatinuod. "Dito 'yon ate." tumigil kami sa tapat ng isang palapag na bahay.

Agad naman akong kumuha ng dalawang bente sa aking wallet at iniabot yun sa kanilang dalawa.

"Thank you." I said to them.

"Hala! Salamat po ate!"

"Salamat ate!"

Ngiting-ngiti nilang tinanggap iyon at yumakap sa akin bago tumatalon na umalis. Bumaling naman ako sa itinuro nilang bahay at kumatok.

Kismet [ On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon