Chapter 15: Admition

372 18 2
                                    


Chapter 15: Admition

Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kay Ziah at mukhang nagsusuplada sa akin ngayon. Dapat nga ako ang nagagalit dahil sa ginawa niya sa motel e.

"Suplada mo ngayon ah? May dalaw?" pagbibiro ko.

Inirapan niya ko't umalis sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila upang bumisita lang naman. Kinalimutan ko na ang mga nangyari sa amin noong gabi ng night-out.

Lasing kaming lahat, wala kami sa tamang wisyo kaya siguro nangyari 'yon sa pagitan namin.

"Alam mo ikaw itong may kasalanan sa'kin tapos ikaw pa 'tong galit."

Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Galit ako kasi ang landi mong babae." aniya sabay irap.


Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit tinatawag niya 'kong malandi. Hindi ko din matatanong ang mga kaibigan niya dahil wala ang mga ito dito tangging si Cyvier lang na tulog ang nandito kasama ni Ziah.

"Bakit naman ako malandi?"

Pinangigilan niya ang ere sabay pamewang sa harap ko. "Matapos mo 'kong pagsamantalahan iba nanaman ang pagsasamantalahan mo? Hanep gurl."

Napangiti ako. Ano bang pinuputok ng butchi nito?

"Kailan kita pinagsamantalahan ha?"

As far as I remember siya ang una na humalik sa akin at dahil mabait ako ibinalik ko yung halik sa kanya.

He sighed. "Forget about it." naupo siya sa tabi ko. "How about tell me about the guy na kasama mo that night sa motel."

Napaawang ang labi ko. "Seriously?"

"Yes, now speak." mataray niyang wika.

"Well hindi mo naman na ata kailangan pang malaman 'yon it's too personal."

Ayaw ko lang na may makakilala sa akin dito. Kapag nakarating 'to kay Mommy pagagalitan ako nun. "What? Gurl we're friends right?" sinuklay niya ang mahaba kong buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Now tell me na dali."

"Gusto mo ba ang lalaking kasama ko Ziah?" 'yon lang naman siguro ang dahilan kung bakit gusto niyang makilala si Luke.

He laughed sarcastically. "Nope, gusto ko lang malaman gurl kung sino siya kung mabuti ba siya para sa'yo ganun."

"He's not dangerous okay? And he's someone na important to me, iyon lang."

Napangiwi siya. "That's all? Wala man lang bang name drop or something?"

I chuckled. "Wala."

Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri sabay sarkastikong ngumiti.

"Grabe ang detailed naman nakilala ko siya grabe."

Tipid ko siyang nginitian at tumayo na. "Mukhang wala ka pa sa mood ngayon babalik nalang ulit ako dito sa susunod." tinaasan niya 'ko ng kilay.

"Ano manlalandi ka nanaman? Ikaw tigilan mo 'yan girl."

I chuckled. "Sino bang lalandiin ko ha? Gusto mo ikaw nalang landiin ko." I bit my lower lip, I partly mean it.

"Go."

Huh?

"Ha? What do you mean?" natatawa ngunit hindi makapaniwalang wika ko.

Kismet [ On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon