Chapter 9: Looking for me?

617 19 5
                                    


Chapter 9: Looking for me?

Nakipagbeso ako sa kanya nang makalapit siya sa akin, At muli kaming umupo sa sofa. Rica, Cyvier, ako, Ziah and Tonia, 'yan ang ayos namin. Pansin kong kanina pa hindi mapakali si Ziah. He's acting weird. Imbes na daldalin ako tahimik lang siyang nagmamasid sa amin, sa akin.

"What's wrong Ziah?" I whispered at him. Umiling siya't tipid na ngumiti. "Wala naman.."

Tinanguan ko lang siya't nagsimula na 'kong uminom ng drinks. The five gays, they're the ones who's hyping us. Natatalunan sila't nagsasayawan.

"Doon tayo sa baba mas bet ko doon." sabi ng isa.

"Oo nga 'no? Huy mga bakla sa baba tayo." aya ng isa sa lima.

Tumango lang ako sa kanila't ngumiti. Pinakiramdaman ko kung aalis ang mga katabi ko. Si Cyvier, Ziah at ako lang ang hindi tumayo. Si Ziah abala sa pag-inom gano'n din kami ni Cyvier.

"Later nalang susunod kami." ani ni Cyvier sa mga ito.

"Sumunod kayo ah?" may pagbabanta sa tono ni Rica at talagang minata pa kami kaya bahagya akong natawa.

I gave him a thumbs-up.

"Oo susunod kami." saglit kong tinapunan ng tingin ang aking katabi. Akala ko wala na siyang balak na magsalita pa.

"Sure yan ah? Sige." at lumabas na nga silang pito.

Sumandal ako sa sofa at saglit na napapikit. Aaminin ko, kakaunti palang ang naiinom ko ngunit nahihilo na 'ko ngayon. Napakahina ko talaga pagdating sa alak.

"Olesia?"

Paano ko mahahanap yung lalaki na yon dito? Paano ko sisimulan? At saan ako magsisimula?

"Olesia." marahan kong iminulat ang aking mata at tumama ang aking tingin sa aking katabi.

"You wanna find him?"

Bahagya akong tumango. "Yes,"

"Tara." tumango ako sa kanya at sinimulan niya na 'kong alalayan patayo.

"Sino bang hahanapin niyo?" sabay kaming natigilan at humarap kay Ziah na abala sa paglalaro ng alak sa kanyang kamay.

"We're trying to find someone kuya, he's same body type as mine."

"At sa tingin niyo mahahanap niyo siya ng 'yan lang ang impormasyon na meron kayo?" taas kilay nitong wika, he looks-hot.

I giggled because of my thoughts. "What's funny?" he asked with a confused tone. Agad akong umiling. Ang sungit naman nito, kanina tahimik tapos ngayon masungit.

"Then paano kuya? May alam ka bang paraan?"

He grins. "We'll find him."

Nagkatinginan kami ni Cyvier dahil doon. "Are you sure kuya?"

"Yeah? Bakit naman hindi?"

Tumayo siya't inayos ang kanyang kulot na buhok. Nagmukha siyang koreano sa porma niya ngayon. Lakas maka Kim Taehyung ng porma niya ah. Bahagya pa talagang nakabukas ang iilang buttones sa kanyang dibdib.

"Sige, tara na." anas ni Cyvier, inayos ko ang maliit kong shoulder bag at naramdaman ko nalang na nakaalalay ang kanyang bisig sa aking bewang.

Si Ziah, nakasunod lamang siya sa amin. "So? Paano natin 'to sisimulan?" ani nito saglit kaming tumigil sa paglalakad ni Cyvier.

"We don't really know kuya.."

"Kailangan nating maghiwalay." suhestiyon nito.

Saglit akong napaisip. Maghihiwalay kami tapos ano?

Kismet [ On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon