Chapter 4: Whisper

410 15 0
                                    


Chapter 4: Whisper

Inis kong isinauli ang kwintas sa drawer. Kanina ko pa sinusubukang tanggalin yung pendant ang kaso mukhang personalized ito. Mahigpit ang pagkakakabit. Halata talagang mamahalin.

Ibig bang sabihin mayaman ang babaeng nakatalik ko sa bar? Paano kung ipahanap niya 'ko? Ipakulong? Gosh! Hindi ko keri! Wala akong money pang piyansa!

Sana naman hindi na muling magkrus pa ang landas namin. At nasisiguro ko namang hindi niya 'ko namukhaan at mas lalong hindi niya alam ang pangalan ko. Nakaka-overthink naman. Paano kaya kung isauli ko ito sa mga pulis? Ang kaso wala akong tiwala sa mga pulis e. Bahala na nga remembrance nalang ito. Magdilang anghel ka sana mamayang pageant. Ipanalo mo kami ng mga bakla.

Pumunta na kami sa bahay na sinabi ni Mima Jona. Doon daw kami aayusan at naroon na daw ang lahat na gamit na kakailanganin namin mamayang gabi. Pagdating namin ng tatlong bakla naabutan namin ang isang hindi pamilyar sa amin na babae.

"Magandang araw Mima Jona." bati namin sa kanya. Isa-isa kaming bumeso sa kanya.

Sinuyod ko ng tingin ang babae. Naka skirt ito na pinarisan ng mahabang puting mediyas, ang pang-itaas naman niya ay fitted na white polo blouse na may necktie. School girl ang birada ni ateng.

"Yun nga guys siya si Olesia siya ang papalit kay Myrna na dating make-up artist nitong si Ziah."

"Hi Olesia." bati ni Tonia at nakipagbeso dito.

"Hi po,"

"Hello Olesia ang cute mo naman girl." bati ni Tonia.

"Hello po, mas maganda ka ate." bati nito pabalik kinilig naman ang bakla.

"Sus, ano ka ba? Ako lang 'to noh." aniya kaya natawanan kami.

Ako naman ang nakipagkamay sa kanya. "I'm Ziah, nice to meet you."

"Hi po ate Ziah, nice to meet you too." magalang na wika nito habang nakangiti.

"Wag mo na kami i-po ah? Feeling ko kasi ang tanda na namin." biro ko sakanya na ikinatawa niya.

"Sige."

Matapos naming magpakilala sa isa't-isa dumiretso na kami sa upuan sa harap ng salamin at sinimulan na nilang make-upan kami.

"How old are you Olesia?" masiyado siyang tahimik hindi ako sanay yung mga dating make-up artist ko kasi madadaldal.

"Eighteen."

Bata pa. "Bakit mo naisipang mag-make-up artist?"

"Trip lang." wow, ambongga ng sagot ah kagigil ng onti. "Joke, ito lang kasi ang trabaho na tumanggap sa akin." ayan buti at binawi agad.

Pinanood ko siya sa salamin habang abala siya sa paglalagay ng concealer. "Masiyado ka pa kasing bata." ani ko.

"Hindi na 'ko bata." mukhang sineryoso niya iyon, nagbibiro lang naman.

"Biro lang gurl ito naman." ngumiti siya, ng pilit?

"Sorry ayaw ko kasing tinatawag akong bata e." aniya.

Gano'n naman pala. May dahilan naman pala bakit biglang nainis si gurl. "I'm sorry gurl."

"Nah, it's okay acla." aniya sabay ngiti nang magtama ang mata namin sa salamin.

"Ah.." aniya nang maglalagay na ng lipstick.

Iniawang ko ang aking labi habang nakatingin sa awang niyang labi. Infairness wala pang lipstick pero pinkish na ang labi ni gurl.

Kismet [ On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon