31 "Mahiwagang Dalubhasa" (1/4)

359 24 0
                                    

"Tumigil ka na sa pagtulog at kumuha ka ng makakain!" Si Jun Xian ay buong pusong siniko ang kanyang Anak. Ngayong mas mabuti na siya at sa wakas makakain na rin siya para mapunan ang kanyang lakas at mapangalagaan ang katawan, ano pa ang hinihintay nila?

Nang pumasok ang mga katulong sa silid na may dalang mainit na lugaw, ang bango ay nakakaakit kaya kapwa Ama at Anak ay pansamantalang tumingin sa umuusok na mangkok na wala sa isip.

Ang lugaw ay may mahinang amoy ng mga halamang gamot ngunit ang amoy ay hindi masyadong matapang. Sa sobrang tagal ng hindi nakakain, Naramdaman ni Jun Qing ang pagkurot ng kanyang tiyan nang mailagay ang mangkok sa kanyang harapan.

Nang huminga siya ng malalim, sinalakay ng bango ang lahat ng kanyang pandama at ang dati niyang pagkawala ng ganang kumain ay naging kasaysayan .

Pinilit niyang umupo sa kanyang kama upang tamasahin ang kanyang unang pagkain nitong mga nakaraang araw.

Pagkatapos niyang kumain ng busog, na may kaunting kahirapan sa pag upo sa kanyang kama at napagtanto lamang niya na siya ay nasa isang napaka-delikadong sitwasyon habang siya ay walang malay .

"Ang bawat mangagamot na nakakita sa iyo ay napagpasyahan na ikaw ay nasa pintuan ng kamatayan . . , kung hindi dahil kay Wuxie... " Napabuntong-hininga si Jun Xian habang iniisip ang sakit ng pagkawala ng kanyang panganay na anak ...Kung maulit ang ganitong bagay ay talagang hindi niya alam kung makakaligtas pa siya.

"Ngunit...Si Jun Wu Xie ay nagsimula pa lamang sa kanyang pag-aaral sa medisina hindi pa ganon katagal, paano niya nalaman na maliligtas pa ako?" Si Jun Qing ay puno ng mga katanungan, tila sa pagkakataong ito, isa talagang malaking pagbabago ito kay Jun Wu Xie. Ang suwail na bastos na batang babae noon ay tila nawala nang walang bakas. Kahit na sa harap ng pang-aapi ni Mo Xuan Fei, hindi pa rin siya nagpahayag ng kawalang-kasiyahan, hindi tulad ng dati niyang ugali na mag wawala na parang bagyo, Napaka bait niya at mahinahon na siya ngayon.

"Kamakailan lang, malaki ang pinagbago ng batang iyan, naging napaka bait niya. Sa tingin ko ang kanyang pinsala dati ay maaaring hindi kasing dali gaya ng iniisip natin. Kung hindi dahil sa malalaking pangyayari, hindi siguro siya magbabago ng ganito sa maikling panahon. " Hindi binanggit ni Jun Xian ngunit kanina pa niya ito pinag-isipan at gumawa ng ilang haka-haka.

Ang lahat ng ito ay nagsimula lamang matapos siyang bumalik na puno ng mga pinsalang iyon. Ano ang pinagdaanan niya?

Saglit na nag-alinlangan si Jun Qing bago niya tuluyang sinabi ang katotohanan na binigay ni Jun Wu Xie sa kanya ang buto ng lotus bago ang pangyayaring ito.

"Buto ng Lotus?!" Bahagyang kumunot ang noo ni Jun Xian. Noong una ay naisip niya na may lihim na nagalit sa kanya ngunit ngayon ay biglang nasangkot si Jun Wu Xie.

"Siguro ibinigay niya sa akin nang walang malalim na kahulugan o sadyang hindi nakayanan ng katawan ko ang lason. Kahit ano pa, Naniniwala akong hindi ako sasaktan ni Wu Xie . Ngunit ang masasabi ko lang, kahit pagod ako ngayon, Mas mabuti na ang pakiramdam ko kaysa sa naramdaman ko sa nakalipas na dekada! Ang lason ay tumagos nang malalim sa aking mga buto, sa lahat ng mga taon na ito, at kahit na hindi nito nagawang kitilin ang aking buhay ngunit ito ay nagpahirap ng aking isip at diwa." Nag-aalala si Jun Qing na madawit pa niya si Jun Wu Xie habang nagmamadaling sinubukan niyang magpaliwanag.

Hindi talaga siya nagmalabis, sobrang hina pa rin ng katawan niya ngayon gayunpaman ang kanyang isip ay napaka-alisto. Pati ang lason kanina parang susuko na siya hindi makapag-ipon ng anumang espiritung enerhiya ngunit ngayon ay nakakaramdam siya ng bahagyang pintig habang sinisikap niyang madama ang kanyang espiritung enerhiya.

"Talaga? Huwag mong isipin na maaari kang humila ng mabilis sa ibabaw ko. Likas na naniniwala ako sa ating Wu Xie. Ngunit kung nakakaramdam ka pa rin ng anumang kakulangan sa ginhawa kahit saan, huwag mo itong itago. " Kahit ano pa, pareho silang pinakamalapit na kamag-anak at ayaw niyang may mangyari sa kanila na anumang kapahamakan.

Ngumiti si Jun Qing at tumango habang ginagalaw niya ang kanyang mga braso sa labis na paggalaw sa pagtatangkang ipakita sa kanyang ama na ayos lang talaga siya .

Gayunpaman sa sandaling iyon, nagkaroon ng silakbo at kakaibang pakiramdam . Nanigas ang buong katawan niya habang malalim ang iniisip .

"Anong nangyari?" Mabilis na tanong ni Jun Xian nang makita niya ang kakaibang ekspresyon ni Jun Qing.

Napalunok si Jun Qing habang nagtataka ang tingin niya at hindi makapaniwala.

"Ang mga paa ko.... "

"Anong nangyari sa paa mo?!" Nag-aalalang tanong ni Jun Xian.

"Medyo nakaramdam ng kunting....Sakit?" Si Jun Qing ay naghabol ng boses....

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon