33: "Mahiwagang Dalubhasa" (3/4)

362 22 0
                                    

“Bagaman si tito ay naging baldado, nakakaramdam pa rin siya ng paminsan-minsang panginginig, at ang kanyang mga litid ay hindi nasira, kaya naisip ko na kaya ko itong gamutin.  Kumain rin ako ng buto ng lotus, Subalit may ilang paghihirap, Ang Katawan ko ay  walang ganoong reaksyon tulad ng kay Tito. Natakot ako na ang  Kangyang Lason ay sumiklab pero buti na lang tinuruan ako ni master ng paraan para gamutin ito . ” Mahinahong nagsalita si Jun Wu Xie, kahit medyo wala pa sa gulang ang boses niya, siya ay mahusay at
kapani-paniwala.

Ang talumpating ito ay pinag-isipan ng ilang masusing pag-iisip upang itago ang pinagmulan ng gamot.
Siya ay nag nais na buuin ang kanilang kayarian na katawan nang patago. Sinong nakakaalam na ang buto ng lutos ay nagpapalitaw ng isang malaking insidente! Ngayon ay kailangan niyang humanap ng isang makatwirang dahilan bilang pagtatakip sa kanyang kakayahan sa medisina. Kaya naman, ang munting pusang itim at Siya ay pinag-uusapan  ito at sa huli ay nakaisip sila ng isang 'Master' . Itinulak sa kanyang misteryosong Master ang lahat upang magbigay daan sa lahat ng mga problema sa hinaharap.

Matapos pakinggan ang paliwanag niya, Parehong nabigla sina Jun Xian at Jun Qing. Hindi nila akalain na kikilalanin ni Wu Xie ang sinuman bilang kanyang Guro.

Nang bumalik siya sa araw na iyon, ang kanilang mga alaala ay nag iba at ang alam lang nila ay ibinalik siya ng kanyang 'kapatid', gayunpaman ang mga detalye ay hindi alam.

Ang kanyang paliwanag ay maaaring medyo hindi kapani-paniwala, anong klaseng swerte ang mayroon siya upang makatagpo ng ganoong Dalubhasa? Gayunpaman, akma ito sa lahat ng kasalukuyang tanong na nasa isip nila, tulad ng kanyang pagbabago sa pagkatao pati na rin ang kanyang interes sa medisina.

"Mabuti, Wu Xie, sa panahong ito nagkita ba kayo ng iyong Guro dito sa ating Palasyo?" Kakaiba ang ekspresyon ng mukha ni Jun Xian nang tanungin siya nito.

Tumango si Jun Wuxie.

Nagpalitan ng tingin sina Jun Xian at Jun Qing. Kung titingnang mabuti, makikita ang pagkibot ng kanilang mga kilay.

Ang Palasyong Lin ay maaaring hindi masyadong binabantayan gayunpaman mayroong isang malaking bilang ng Hukbong Rui Lin ang lihim na nagbabantay dito sa Palasyong Lin. Hindi banggitin ang mga hindi kilalang tao, kahit anumang hayop, sila ang unang makakaalam kung may manghimasok sa  Palasyong Lin.

Gayunpaman sa pagkakataong ito, wala man lang silang narinig na kahit ano. Nangangahulugan ito na ang kanyang Guro ay isang dalubhasa na maaaring pumasok at umalis sa kuta na ito sa sarili niyang kagustuhan habang tinatakasan ang mahigpit na pagsubaybay ng Hukbong Rui Lin.  At Hindi siya nag-iwan ng kahit anong bakas.

Patungkol sa kanyang Master na ito ay napukaw sila ng pag-usisa ngunit alam nilang hindi siya nagbigay pinsala sa kanila o kung hindi, hindi  sana niya iniligtas si Wuxie at tinuruan ng panggagamot .

“Para sa iyo na magkaroon ng gayong Guro ay isang mapalad na bagay . Dahil ayaw niyang makipagkita sa sinuman, tulungan mo lang kaming ipahayag ang aming pasasalamat sa lahat ng tulong niya . ” Mula sa kanyang malawak na karanasan, Hinuha ni Jun Xian na ang Master niyang ito ay hindi gustong makisali sa mga makamundong  pangyayari. At samakatuwid ay hindi na igiit pa.

Ang pagkakaroon ng Master na ito ay mabuti para kay Wu Xie at sa Palasyong Lin. Si Jun Xian ay natuwa.

“Sige po, lolo. ” Mahinahon niyang sagot habang ang itim na pusa sa kanyang mga bisig ay sinundan siya ng tingin ng may pag-aalinlangan at nagpakawala ng maliit na ngiyaw.

'Guro, naligaw ka ng landas. Talagang natuto ka kung paano magsinungaling nang tahasan!'

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon