3rd Person's POV
"Paris, kailan ang dating nina Hera?" tanong ni Gabryel kay Paris habang nanunuod ng tv. "Ngayon ata o bukas?" sagot naman nito at binuksan ang ref. Kinuha nito ang isang tupperware na may mga graham balls na ginawa niya kanina.
"Ah. Nasan nga pala si Zylene?" isinubo nito ang nahuhuling popcorn na nasa bowl. Nakapako ang mga mata ni Gabryel sa tv. "Di ko alam. Baka natutulog sa taas o kaya naman lumabas" sagot ni Paris.
Dumiretso na ito sa pwesto ni Gabryel habang bitbit ang isang tupperware at isang bowl ng popcorn. Inilapag nito ang mga pagkaing dala sa harapan at dumapa sa carpet.
"Vampire Diaries na naman!?" gulat na sigaw nito kay Gabryel nang makita ang pinapanuod sa tv. "Yep!" tatango-tangon sagot ni Gabryel.
Napa-iling na laman si Paris at nakinuod na lang din. Adik si Gabryel sa Vampire Diaries.
I can't stand the idea of you hati-
"Damn!" sigaw ni Gabryel nang mamatay ang tv. "Yun na yun eh! I can't stand the idea of you hating me forever!" drama nito sa harap ni Paris. Napatigil lang ito sa pagdadrama nang makita nila si Zylene.
Nakasandal ito sa pader sa may likod habang may hawak na remote. "Pack your things. Lilipat na muna tayo sa mansion ko. I sense danger here" sabi nito at umakyat na ng 2nd floor.
Nagkatinginan sina Paris at Gabryel. "I'll prepare the car and guns." at lumabas na ng living room si Paris. Umakyat na lang si Gabryel sa taas para mag-impake ng mga gamit.
Zylene
"Tapos na Zy!" sigaw ni Paris sa may baba. Agad akong lumabas ng kwarto ko bitbit ang dalawang maleta at isang backpack. Kumatok ako sa kwarto ni Gabryel. "Wait lang Zylene!" sigaw naman nito.
Ibinaba ko na ang mga gamit ko. "Ne Zylene. Ilagay mo na yang mga gamit mo sa sasakyan. Kumuha ka na lang ng candy dun sa lamesa ha?" sabi ni Paris nang makalapit ito sakin. Tinapik ako nito sa balikat. "Make sure to bring water." pahabol nito at kumindat pa sa akin.
Umakyat na ito sa kwarto ni Gabryel na may dalang dalawang candy. Napa-iling na lamang ako. Dumiretso ako ng kusina habang bitbit ang aking mga gamit. Agad akong kumuha ng candy at isinuksok sa bulsa.
Iniwan ko sa may tapat ng pintuan ang isa kong maleta. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong pinakiramdaman ang paligid. Ilalagay ko pa lang sana ang maleta sa may likuran ng kotse nang may narinig akong kaluskos sa may gilid.
Agad kong binuksan ang maleta at kumuha ng isang candy. Kinuha ko na rin ang isa pang candy sa may bulsa ko. Pasimple kong tiningnan ang pinanggalingan ng ingay. Agad kong ikinasa ang baril at ipinaputok ito sa may halamanan.
"Argh!" sigaw ng lalaki na tinamaan ko. Agad namang nagsilabasan ang mga kasamahan nito at itinutok ang mga baril sa akin. "Ibaba mo yang baril mo" utos ng isang lalaki. Humakbang ito papalapit habang nakatutok ang baril sa akin.
"Paano kung ayoko?" ngumisi ako sa kanya. "Edi papatayin ka namin" pananakot nito. "Then prove it." sabi ko dito. Tumawa ito at sumigaw. "Boys! Barilin nyo siya!"
Bam bam bam bam bam!
Nawala ang mga ngiti nito sa labi at tumingin sa likuran nya. Habang nakatingin ito sa likuran nya ay agad ko na itong binaril sa ulo. Natumba ito sa lupa habang naka-bukas ang mga mata.
May lumapit ditong babae at tinapunan ng isang card. Lumapit ito sa akin at tumawa. "Hahahahaha. Laughtrip yung mukha nung lalaki. Dapat pala pina-video ko kay Paris. Hahahahaha. Daig pa nito ang Vampire Diaries!" natatawang sabi ni Gabryel habang nakahawak pa sa tiyan na.
Tiningnan ko naman si Paris. Sumenyas ito na nababaliw na si Gabryel. Nang dahil doon ay nakatanggap siya ng batok galing kay Paris.
"Leche ka Paris. Tsk. Dapat talaga vinideo mo yun. Tapos gagawa ako ng movie, Hellexa Diaries" suggest nito at inilagay na ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Nang mailagay na ang mga gamit ay agad na kaming sumakay ng sasakyan.
Si Paris ang nasa driver's seat at katabi niya si Gabryel. Samantalang nasa likuran ako.
Ngunit kaka-andar pa lang ng sasakyan namin ay bigla ng sumabog ang bahay namin. Tumingin silang dalawa sa akin. Si Gabryel ay lumingon sa likod habang si Paris naman ay nakatingin sa salamin para makita ako. Tiningnan ko din sila. "Told ya" sabi ko sa mga ito at ipinikit ang aking mata.
--------------------------------------------------
A/N
Hi guys! :) #93 tayo sa Action. Bumaba tayo guys :( Pero dati nung chineck ko tong story, #80 tayo :)
BINABASA MO ANG
ZV: The Gangster Heiress
ActionShe's lost for 17 years... Letters "ZV" on her waist is the key to recognize her... A girl which everyone fears... She's ZV, the Gangster Heiress.