Chapter VII

127 5 5
                                    

Zeverina Chase


"May extra blower ka pa ba ZV?" tanong ni Yesha habang naka-silip sa may pinto ng CR. Pinatay ko na muna ang blower na gamit ko at binuksan ang isang drawer. Kinuha ko doon ang extra kong blower at ini-abot kay Yesha. Bumalik ako sa may harap ng salamin at ini-on ulit ang blower.


"So ZV, anong plan ang gagamitin natin para sa first day? Plan A or Plan B?" tanong ni Chesca na kalalabas pa lamang sa isa pang cr. Nakasuot ito ng bathrobe at pinapatuyo ang buhok gamit ang isang towel. Lumapit ito kay Meily na kasalukuyang namimili ng damit. "As usual" tipid na sagot ko dito at in-off ang blower. Pinindot ko ang isang button na malapit sa salamin.

Maya-maya ay may dumating na isang babae. Si Janna. Anak siya ng isang maid at magaling siyang mag-ayos ng buhok. She's working at my cousin's salon as a hair stylist. Lumapit ito sa akin at sinimulan ang kanyang dapat gawin. Natapos na ring maligo sina Yesha. Naglalagay na ang iba sa kanila ng make-up at yung iba naman nagbibihis na.

Nang matapos ng ayusin ni Janna ang buhok ko, yumuko ito at lumabas na ng pinto. Kinuha ko ang damit na inihanda ko kahapon at isinuot iyon. Tumingin ako sa harap ng salamin para makita ang itsura ko. As usual, kahawig ko na naman si Aphrodite. "Lets go girls!"


Zylene

"Zylene! Uso magbukas ng pinto!" galit na sigaw ni Hera habang hinampas ng malakas ang pinto. Binalewala ko lang iyon at inilagay ang pinakamahalagang bagay sa mukha ko. Nang masiguro ko nang maayos na ang aking itsura, bumaba na ako para pagbuksan ng pinto sina Gabryel.

Pagkabukas ko ng pinto ay handa na akong hampasin ni Hera pero napatigil ito. Nasamid naman si Paris sa iniinom nito. Muntikan ng mahulog ang cellphone ni Gabryel pero nasalo niya rin ito. Pero ito ang panigurado, laglag panga silang lahat. As in literal.

"What the fuck Zylene!?" bulyaw sa akin ni Hera. Hinatak ako nito papasok sa loob. Sumunod naman sina Paris sa amin. Huminto kami sa may harap ng salamin. Napasimangot ako dahil nagulo ang aking ayos.

"Anong pauso yan ha? Wag mong sabihing nahawaan ka ng mga fictional character ng libro ni Gabryel!?" sigaw nito at itinuro pa si Gabryel. Napalingon naman dito si Gabryel at binatukan ito. Tiningnan naman ng masama ni Hera si Gabryel pero inirapan niya lang ito.

"Anong problema dito Hera? Gusto ko lang namang magbago ng style. Tutal college na tayo." iniayos ko ang aking salamin. Kinalas ko ang tali sa buhok ko at kumuha ng suklay. Sinuklay ko ito at itinali ulit. Pinagpag ko ang aking damit para medyo umayos ng unti.

"Seriously? Nerdy type ang trip mo ngayon Zy?" hindi makapaniwalang tanong ni Paris. Take note, nakataas pa ang kilay nito. Pwes kung pataasan pala ito ng kilay, aba! Di ako magpapatalo. Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Dear, mabuti sana kung highschool pa lang tayo. Zylene naman! College na tayo"

"Wala kayong pake" sagot ko sa mga ito at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garage. Sumakay na ako sa motorbike at isinaksak ko na ang susi. Lalabas na dapat ako ng gate pero may humarang na sasakyan dito.

Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko si Hera na nakaupo sa may harap. "Seriously? A nerd riding a motorbike? Ridiculous!" pagtataray nito sa akin. "Ibalik mo yang motorbike na yan. Sumabay ka samin" inirapan ako nito at ikinabit ang earphonesee niya.

"Gosh! Fuck you Hera! Times ten!" bulyaw ko dito. Pero bago ko ibalik ang motorbike, nakita ko itong nag-bad finger sa akin. "Fuck you too! With  feelings" sigaw nito. Gaga talaga tong si Hera.

••••••••••

"Baba na nerd" pang-aasar sa akin ni Gabryel habang nakatingin sa rear mirror. Tiningnan ko na lang ito ng masama. "Oo nga. Lumabas ka na Zylene!" panunulak naman sakin ng katabi ko na si Paris. Isa pa ito. "Oh ano pang hinihintay mo? Pasko? Labas na. Kesa naman sumabay ka sa amin papasok ng academy" sabat naman ni Hera.



"So ngayon ikinakahiya nyo na ako?" tanong ko sa kanila. "With your current outfit? Yes. Ikinakahiya kita. Zylene, ayusin mo nga yang pananamit mo. Duh~ Para kang hindi owner ng isang kilalang clothing line" Napatingin naman ako sa suot ko. Wala namang problema. Maayos naman kahit simple lang. Sadyang maarte lang yata talaga sila. I just want a low profile.

Wala na akong nagawa kundi bumaba. Pagkababa ko ay agad na pinaandar ni Gabryel ang sasakyan. Mabilis itong nawala sa paningin ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa academy. Malapit lang naman ang pwesto na pinagbabaan ko kaya uunti lang ang lalakarin ko.

Nakarating na ako sa harap ng gate ng Academy. Malaki ang gate nito, sobra pa sa inaasahan ko. Papasok na dapat ako sa loob pero hinarangan ako ng guard. "Miss, naliligaw po ata kayo" sabi ni manong.

"Estudyante po ako dito" sabi ko dito. "Weh?" pabalang na tanong nito. Parang bakla si manong. "Estudyante po ako kuya" mahinahon kong sagot dito. Lumakad ako papunta sa kaliwa para makapasok na ako pero hinarangan ulit ako ng guard. Lumipat naman ulit ako sa kanan pero katulad ng kanina, hinarangan niya ulit ako. Yung totoo kuya? Patintero ba to?


"Oi oi kuya! Madaya yan. Wala ka sa linya!" sigaw ko dito at itinuro ang bandang paanan nito. Napalingong naman ito sa kanyang paa. Agad akong tumakbo papasok ng gate. Sa kasamaang palad, naabutan ako ni manong guard. "Kuya naman e! Nag-aaral po ako dito" pagmamaktol ko dito.


"Estudyante po talaga ako dito kuya. Papasukin niyo na po ako." tiningnan ko ang aking relo para tingnan kung anong oras na. 7:21 am. Itinapat ko sa mukha ng guard ang aking relo. "Kuya, 7:21 na po. Malelate ako nito, kaya papasukin nyo na po ako"

Tinabig nito ang aking kamay. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Alam mo miss, hindi naman masamang mangarap pero wag mong ipagpilitan ang isang bagay na imposible." hinawakan nito ang kamay ko at hinatak ako pabalik sa may labas ng gate.

"Aba!" sigaw ko. Napatingin naman ako sa gilid, may isa pang malaking gate. Merong dalawang guard ang nagbabantay dito. Napatingin ako sa isang kotse na papasok. Binuksan ng dalawang guard ang gate at isinarado rin ng makapasok ang kotse. At dahil nga ako si Zylene, nakaisip ako ng paraan na kasing ganda ko.


*evil laugh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZV: The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon