Tyrone Reele
"Your presence is a must. The king and queen of the gangsters, together with their former gangmates, will be visiting Hell13......
.
.
.
It's me, Yellow Chix" Ibinalik ni Caiden ang papel sa lamesa nang matapos namin itong basahin."Tsk. Mom and Aunt Vivian." sabi ni Demitri. "Oh ano na? Bili na tayo ng susuotin" sabi naman ni Ethos. Sasagot na sana ako ng biglang may nag-ring na cellphone. Kinuha ni Demitri ang cellphone sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag. "Axce" sagot nito sa kabilang linya. Tumahimik naman kami at tumingin kay Demitri.
"What do you need mom?" tanong nito. "What!?" "Fine mom." At ibinaba na nito ang tawag.
"Anong sabi ni tita? Demitri?" lakas-loob na tanong ni Caiden dito. Medyo malapit naman si Caiden kay Demitri kaya okay lang. May tinype ito sa cellphone nya at biglang tumunog ang mga cellphone namin. Umakyat na ito sa may taas. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ni Rod.
"Demitri, paki-kuha yung black envelope sa manager ng Zyleve. и☽" ito ang naka-lagay sa cellphone ni Rod. Kumunot yung noo ko sa sign na iyon. Nagkatinginan kaming lahat. "Nightcrest" mahinang sambit ni Pierre.
Third Person's POV
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo dito sa Zyleve" sabi ng isang sales lady ng Zyleve kay Zylene. "Alright. I'll be there in 10 minutes" sabi nito at pinutol na ang tawag. Tinawagan naman ni Zylene sina Gabryel at Paris na sumunod sa Zyleve. Nag-bihis na ito at pumunta sa may garahe. Sumakay ito sa Ferrari F12berlinetta. Pinaandar nito ang sasakyan. Pagkatapos ng walong minuto ay nakarating na ito sa Quinten mall. Ipinark nito ang kotse at tinext sina Paris kung nasaan na ang mga ito.
"Zy, nasa may tapat na kami ng touch cafe. Ambagal kasi magbihis ni Gabryel kanina."
Napa-iling na lamang si Zylene sa nabasa niya. Lumabas na siya sa sasakyan at pumasok na ng mall. Umakyat ito papuntang 3rd floor. Pumasok na ito sa may boutique niya at dumiretso sa may office. Bubuksan niya pa lamang ang pinto nang maramdaman niyang magkakasabay sila ng bukas ng taong nasa loob. Binalewala niya lang ito.
Nagulat si Zylene ng malakas ang pagkakabukas ng pinto ng taong kasabayan niyang magbukas. Napahilig tuloy siya sa dibdib ng taong ito. Malapad. Ito ang pumasok sa isip ng dalaga. Lalaki ito. Ini-angat niya ang kanyang ulo para makita ang taong naka-bangga sa kanya. Nagulat ito dahil sa itsura ng binata.
Agad na iniwas ni Zylene ang tingin niya sa taong ito. Papasok na dapat ito sa office ngunit hinawakan siya sa braso ng lalaking naka-bangga niya. "Say sorry" sabi ng lalaki na ngayon ay naka-tingin kay Zylene. "Why would I?" matapang na sagot naman dito ng dalaga. "You bumped me" cold na sabi ng binata dito.
"Miss, mabuti pa mag-sorry ka na lang. Kesa masaktan ka" sabi ng isang lalaking may naka-sabit na headphones sa kanyang leeg. "Oo nga miss. Sayang naman ang ganda mo" sabat ng isang lalaking kasamahan nito. Kumindat pa ito kay Zylene ngunit inirapan lang ito ng dalaga. "Binangga mo din ako, so quits na tayo" sabi nito sa binata at dumiretso na papasok sa opisina ng manager ng boutique.
"Tara na pre. Hayaan mo na lang yung babae. Chix naman yun" natatawang sabi ng isa pang lalaki at inakbayan ito. Tinanggal naman ng lalaking naka-bangga ni Zylene ang kamay ng kanyang kabarkada sa balikat nito. "Tss" ito na lamang ang sinabi ng lalaki at tuluyan nang lumabas ng Zyleve.
"Ate Nic, asan po yung naghahanap sa akin?" tanong ni Zylene sa manager ng boutique. "Nasa loob po ng kwartong yun" sabi naman ng manager habang naka-turo sa isang pinto. Dali-daling pumunta si Zylene sa tapat ng kulay blue na pinto at binuksan ito. "What the fuck!?"
----------------------------------------------
Thanks sa pagdedicate sakin sa "Love Game" at sa "My Ugly Girlfriend"
BINABASA MO ANG
ZV: The Gangster Heiress
AkcjaShe's lost for 17 years... Letters "ZV" on her waist is the key to recognize her... A girl which everyone fears... She's ZV, the Gangster Heiress.