Chapter II

716 22 6
                                    

Third Person's POV

Hingal na hingal na si Ver sa kakatakbo bitbit ang dalawang sanggol. Walang kaalam-alam ang dalwang sanggol. Nananatiling tulog ang mga ito. Nang makalabas na si Ver sa gubat ay agad niyang kinontact ang kanyang driver. Wala pang sampung minuto ay may humintong sasakyan sa tapat niya. Bumaba ang driver na may hawak na payong.

"Ma'am kanino pong sanggol yan?" tanong ng driver niya.

"Nakita ko lang dyan sa may bench kawawa naman" palusot ni Ver

Nang makarating na sa Mansion nila ay agad na pinalitan niya ng damit ang dalawang sanggol. Dapat ay mayroon na siyang anak ngayon ngunit nakunan siya nung nakikipaglaban sya sa isang myembro ng copycat gang. Nasipa sya sa may tiyan noon. Namatay din ang kanyang asawa sa isang gang battle.

KINABUKASAN...


"Waaaaahhh!!! Uwaaahhh!!!"

Nagising si Ver dahil sa iyak ni Zaki. Agad syang bumangon at kinarga ang sanggol.

"Hhhmm~~ Hhhmmm~~ Hhmmm~" pag-aalo ni Ver kay Zaki. Nang huminto na sa pagiyak si Zaki ay ibinalik na ito ni Ver sa crib. Pagkababa nito sa sanggol ay saktong may kumatok sa pinto.

"Pasok!" sabi ni Ver

Pumasok ang isang maid na may nakasunod ditong babae. Pagkahatid ng maid sa bisita ni Ver ay agad na itong umalis at isinara ang pintuan.

"Ver!" bati ng babae. Lumapit ito sa kanyang kaibigan at nakipag-beso beso. 

"Ba't ka pumunta rito Lucy?" nagtatakang tanong ni Ver sa kanyang kaibigan na si Lucy. Si Lucy ay isang ex-member ng Nightcrest. 

"Wala lang. Boring sa bahay. Teka, sino yang dalawang yan?" tanong ni Lucy habang nakaturo kina Zav at Zaki.

"Anak ni Queen" sagot dito ni Ver.

Tila nagulat si Lucy sa narinig nito mula kay Ver.

"Paano napunta sayo ang anak ni Queen?" kinakabahang tanong ni Lucy. Ano na naman bang gulo ang pinasok mo Ver?

"Kagabi, inambush namin yung sasakyan nila. Sabi sakin ni Kir, kunin ko daw yung mga bata. Dapat susunod na siya sa akin kaso naabutan siya ni King at binaril siya." kwento ni Ver. 

"Ibalik mo yan kina Queen"simpleng sagot ni Lucy sa kanyang kaibigan. Isang malaking gulo ito pag hindi agad ibinalik.

"Nahihibang ka na ba Lucy? Sa tingin mo ganun lang kadali 'yun? Isipin mo kung anong mangyayari sakin kapag ibinalik ko ang mga bata sa kanila. For Pete's sake, itinaya ni Kir ang kanyang buhay para lamang dito" mapait na wika ng babae. Isa sa mga malalapit na kaibigan niya si Kir kaya't hindi biro ang pagkamtay nito noong gabing 'yun. Nanatiling tahimik si Lucy.

"May plano na ako. Ipapaubaya ko sayo yung lalaking sanggol tapos sa akin yung babae. I'll give you money. Ikaw ng bahala sa anak nila Queen" sabi ni Ver. Wala ng nagawa si Lucy at sapilitang sumang-ayon.

"Btw, may naisip ka ng pangalan?" kaswal na tanong dito ni Lucy. Nang dahil dito, napalingon naman si Ver sa babaeng sanggol.


"Since Zerxes at Vivien ang real name nila King, why not get their initials? I'll name her after her parents" kinarga nito ang nagising na bata. Kinuha niya mula sa crib nito ang isang lightweight rattle. Shinake niya ito dahilan para bumungisngis ang sanggol. "Tingnan mo Lucy. Ang cute niya"


"My dear little ZV"

ZV: The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon