PROLOUGE

1K 28 6
                                    

"Aaaahhh!!!" iri ng babae. Nakahiga ito sa kama habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Dito siya kumukuha ng lakas para ilabas ang dinadala nito.

"Sige pa po! Iiri nyo pa!" utos ng private doctor nila na si Mrs. Cruz. Nakaabang ang mga kamay nito sa gitna ng dalawang hita ng babae.

"Aaaaaaaahhhhhh!!!" sigaw ng babae habang nilalabas ang sanggol. Tila pinupunit nito ang parte na nasa bandang ibaba niya. Naramdaman nito na tuluyang nakalabas na ang sanggol.

"Lalaki po ang anak nyo mahal na reyna at mahal na hari!" nakangiting sabi ng doktora at iniabot ang bata sa isang nurse na nasa gilid nito.

"Ahhh!! Meron pa" nanghihinang sabi ng babae.

Agad na bumalik ang doktora sa babae. Inulit lang ni Mrs. Cruz ang ginawa niya sa pagpapaanak sa babae. Kambal ang anak nito, isang lalaki at isang babae. Matapos masilip ang sanggol ay nakatulog ang babaeng kakapanganak pa lamang. Dahan-dahang inabot ng doktora ang sanggol sa nurse.

Matapos ang dalawang oras ay nagising at bumangon ang babae. Lumapit ang kanyang asawa habang kargakarga ang sanggol na lalaki. Lumapit din ang isang nurse at ini-abot ang anak niyang babae sa kanya.

"Napakaganda ng ating anak" nakangiting sambit ng lalaki. Ngunit may napansin siyang marka sa bandang baywang ng likod ng sanggol na babae. Nakalagay dito ay "ZV" Tiningnan din ng kanyang asawa ang karga-karga nitong lalaking sanggol kung mayroon din bang marka ito. Meron din itong marka. Parehong pareho ang markang nakita sa marka ng kakambal nito.

"Vivian, tingnan mo ang anak natin. May marka silang ZV" sabi ng asawa habang tinuturo ang marka ng sanggol.

"Oo nga Zerxes. Pangalanan natin silang 'Zaki Vash' at 'Zaila Venice' " nakangiting sambit ni Vivian.

"Napakagandang pangalan. Their name suits them" manghang sagot naman ni Zerxes habang nakatingin sa anak niyang kambal.

Sasagot na sana si Vivian ng may nagbukas ng pintuan.

"Primo! May sumusugod po sa ating palasyo! Madami po silang mga taga-Nightcrest!" sabi ng isang lalaki.

"Sige! Mauna ka na! Susunod na lang ako!" sigaw ni Zerxes

"Masusunod Primo" sabi ng knight at kumaripas na ito ng takbo pababa sa hagdan.

"Vivian, pumunta ka na sa hideout natin isama mo sina doktora at aasikasuhin ko lang ang gulong nangyayari sa labas." utos ni Zerxes sa kanyang asawa. Aalis na dapat ito ng kwarto pero pinigilan ito ni Vivian. "Ayos lang ako. Sina doktora na lang ang papuntahin mo. Sasama ako sayo" wika nito at akmang bubuksan ang drawer pero inunahan ito ng hari.

"Hon. Makinig ka sakin. For now, magtago ka muna. Kakapanganak mo pa lang." sabi ni Zerxes hang nakahawak sa magkabilang pisngi ng asawa. "Here. Take this. Pumunta ka na sa hideout. I love you" iniabot ni Zerxes ang bagay na dapat kukunin ni Vivian. Bago pa lumabas ng kwarto ay hinalikan nito ang noo ng asawa.

Mga pagsabog ng bomba, sigawan ng mga tao at putok ng baril ang maririnig mo sa labas ng mansyon. Tunog ng nagtatamang katana at amoy ng pulbura ang umaalingawngaw sa paligid. Para sa kanila, normal na ang mga pangyayaring ito.

Bakit normal? Simple lang, dahil mga gangsters sila. Hindi sila mga ordinaryong gangsters lamang dahil sila ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang gang sa mundo. Ano pa nga bang aasahan mo sa buhay ng mag-asawang pinakamalakas na gangster sa underground?

ZV: The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon