35: "Pagbabago" (1/3)

475 30 0
                                    

Sa pananaw ni Jun Wu Xie, ang kanyang Tiyuhin na hindi makalakad ay hindi dahil ang lason ay masyadong nakakalason, ito ay dahil…ang mga mangagamot sa mundong ito ay sumipsip ng husto!

Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na ang problema ay hindi nakasalalay sa mga mangagamot ng mundong ito ngunit sa halip na siya ay masyadong hindi karaniwan! Ang kanyang mga kasanayan ay nasa isang walang katulad na antas,  ito ay parang Nagtapos sa Unibersidad  na gumagawa ng takdang-aralin para sa mga bata ng elementarya. Iyon ang malaking pagkakaiba.

"Opo" sagot niya sa kanilang pananabik.

Nanatili silang tahimik ngunit ang isa ay maaaring makakita na nagliliyab ng apoy ang kanilang mga mata habang sinubukan nilang tunawin ang lahat ng  kanilang nalalaman.

Ang Palasyong Lin ay nang hihina. Dahil sa walang tagapagmana, gayunpaman kung si Jun Qing ay makabawi sa loob ng susunod na dalawang taon hanggang sa kanyang rurok, Ang Palasyo ng Lin ay muling makakapagpainit sa kaluwalhatian.

Ang pagkakataong ito ay masyadong mahalaga sa kanila ngayon.

"Wu Xie, maraming mahahalagang bagay ang nakataya dito, ang usapin sa pagbuti ng iyong Tiyo ay dapat itago at panatilihing may pinakamahigpit na pagiging kompidensiyal. Ang Tungkol sa iyong Guro…” Agad na naisip ni Jun Xian ang mapanganib na bagay na ito.

“Sinabi ni Master na hindi siya interesado sa mga makamundong mga usapin. ” Ano ang maaaring ibunyag ng isang hindi umiiral na tao?

“Mabuti kung Ganon. Dapat talaga nating pasalamatan siya sa lahat ng tulong niya! Mangyaring ipaalam sa kanya na kung mayroong anumang bagay na maitutulong sa kanya ang Palasyong Lin, kung ito ay nasa loob ng ating makakaya, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para matupad ito!"  Si Jun Xian ay nagsimulang magdaldalan nang tuwang-tuwa.

Ipaparating ko po sa kanya . ” mahinang tugon niya.

“Wu Xie, salamat . ” Tiningnan ni Jun Qing si Wu Xie gamit ang kanyang masigla na mga mata at isang malumanay na ngiti. Laking pasasalamat niya na nagkaroon siya ng napakalaking suporta ng pamilya sa lahat ng mga taon na ito at ngayon sinabi ng kanyang pinakamamahal na pamangkin na maaari niyang pagalingin siya sa tulong ng kanyang Guro, hindi na talaga siya makapaghintay!

Ang kanyang 'salamat' ay nagparamdam sa kanya ng isang bagay na pumupukaw sa loob . Medyo nagulat siya. Noong nakaraan, maraming tao ang nailigtas niya at nakatanggap siya ng hindi mabilang na 'pasasalamat' mula sa lahat ng kanyang iniligtas, ngunit ang mga 'pasasalamat' na iyon ay hindi kailanman nagdala ng anumang bigat sa kanyang puso .

Gayunpaman sa pagkakataong ito, Ang 'salamat' ni Jun Qing ay talagang nagparamdam sa kanya ng magandang init mula sa loob habang nakaramdam siya ng kislap ng saya habang nagpapakawala ng isang pambihirang banayad na ngiti . 

Kaya lumalabas na iba ang pakiramdam ng pagtrato sa isang miyembro ng pamilya.

Habang siya ay nalalasing sa pakiramdam na ito, nagpatuloy siya, "Binigyan ako ni Master ng ilang buto ng lotus at gusto kong bigyan din si Lolo ngunit dahil sa espesyal na kaso ni tito, Kakailanganin kong tumutok sa panggagamot ni Tito sa ngayon. Kakailanganin ko pa ng kaunting oras para ihanda ang pagpakundisyon ng katawan ni Lolo. ” Hindi siya maaaring maging pabaya dahil si Jun Xian ay medyo matanda na sa kanyang edad at kailangan niyang maging mas mapagbantay. Gusto niyang ihanda nang buo ang lahat bago siya magsimula at alisin ang anumang mga bagay na nagpabagu-bago.

Hindi inakala ni Jun Xian na may bahagi siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa pakikinig kay Jun Wu Xie, nahulaan niyang nagsimula na ito sa paghahanda nito para sa kanya.

Nakaramdam ng init at malabo ang kanyang dibdib habang awkward na tumalikod at tahimik na pinupunasan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.

Malaki na ngayon ang kanyang Apo . Sa wakas matino na siya .

Sa darating na panahon sinong maglalakas loob na tawaging walang silbi ang kanyang Apo?! Hindi niya hahayaang hawakan ang kahit na isang hibla ng buhok niya! Walang kahit sino ang  makakaligtas sa pang -aapi sa kanya!

“Ipapaubaya ko ang lahat sa iyo. Ipapaalam ko kay Uncle Fu at hihilingin sa kanya na bigyan ng tagubilin ang mga tauhan sa kusina . Gawin mo kung ano ang kailangan mong gawin, hindi mo na kailangan humingi ng pahintulot sa akin. ” Napabuntong-hininga si Jun Xian at nakahinga ng maluwag.

Sa nakaraan, kahit na minahal niya siya at minahal siya ng walang pasubali, alam niyang mahilig itong makipaglaro sa iba at mayabang ang ugali nito kaya marami itong pinagbabawal para maiwasan ang anumang gulo. Ngunit ngayon ay naramdaman niya na sa wakas ay gumagaan na ang kanyang puso habang tinitingnan ang kanyang mahal na Apo.

Matino, mahinahon, kamangha-manghang mga kasanayan sa panggagamot, lubos na nagmamalasakit sa kanyang pamilya at sinusuportahan pa ng isang makapangyarihang Guro. Saan pa sa mundong ito makakahanap ng ganoon kagaling na Apo?

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon