Nais niyang isigaw sa buong mundo kung gaano nakakamangha ang kanyang Apo! Gusto niyang ipagmalaki siya sa harap ng iba pang matanda at ikalulugod ang kanilang gulat na mga ekspresyon at tingnan kung naglakas-loob pa rin silang tawagin si Jun Wuxie na walang silbi!
Ang kasalukuyang suliranin ng Palasyong Lin ay maaari ng magbabago sa tulong ni Jun Wu Xie. Siya ang susi sa muling pagkabuhay nito at upang mapanatili siyang ligtas gayundin ang Palasyong Lin, kailangan nilang itago ang lahat hanggang sa tuluyang gumaling si Jun Qing.
Si Jun Xian ay labis na nagdusa sa ilalim ng engrandeng pakana ng isang tao at naging sanhi ito ng pagkawala ng isa sa kanyang pinakamamahal na Anak ang isa naman ay malubhang nasugatan at hindi man lang namuhay ng normal sa mga panahon na ito. Upang panatilihin ang kaligtasan ng Palasyong Lin, kinailangan niyang bawasan ang Hukbong Rui Lin sa lumipas na mga taon. Kung malaman nila na maaaring gumaling si Jun Qing at ang taong gumagawa ng paggamot ay si Jun Wu Xie, hindi siya sigurado na kaya niyang mapanatiling ligtas silang dalawa gamit ang kanyang kapangyarihang nag-iisa. Ngayon, ang pagpapanatiling ligtas kay Jun Wu Xie ay ang karapatang mauna.
Sa utos ni Jun Xian, May ganap na kalayaan si Jun Wu Xie na gawin ang mga bagay na gusto niya nang walang sinumang nagtataas ng anumang mga katanungan. Ang lahat ng mga katulong ay hindi na nagpaliban nang may ipagawa si Jun Wuxie sa kanila .
Upang maiwasan ang anumang mga epekto pagkatapos kainin ang buto ng lotus, Nagpasya si Jun Wu Xie na gumamit ng mga halamang gamot upang makatulong sa pagpakondisyon ng katawan ni Jun Xian. Si Jun Wu Xie ay masusing naghanda ng iba't ibang halamang gamot at mga diyeta para umakma at makondisyon ang katawan nina Jun Xian at Jun Qing. Nagdaragdag din siya ng isang patak na luha ng puting lotus sa bawat oras.
Sa panahon ng buong prosesong ito, araw araw si Uncle Fu ang personal na nagdedeliver ng lahat ng pagkain at gamot mula sa mga kamay ni Jun Wu Xie patungo kay Jun Xian, habang inihatid ni Long Qi ang bahagi ni Jun Qing.
Napakaseryosong Tinalakay ni Jun Wuxie ito at silang dalawa lang ang mapagkakatiwalaan niya! Walang ibang Punto ng pakikipag-ugnayan ni pahihintulutan kung sakaling may mangahas at pakialaman ng kahit ano. Sa ganitong paraan, siya mismo ang mangangasiwa ng kanilang pag-unlad nang walang anumang alalahanin.
Parehong gumaling ang Ama at Anak sa isang kamangha-manghang bilis sa ilalim ng kanyang pangangalaga, ang tanging biktima ay ang maliit na Lotus .
Dahil ang kanyang mga luha ay ang 'espesyal na sangkap' ang kinailangan,bawat ilang araw ay kailangan niyang mag-ambag ng kanyang bahagi. Sa bawat pagpapakita niya, ang itim na pusa ay palaging magiging mainit sa kanyang mga landas habang sumunggab ito sa kanya at hinabol siya sa paligid nito at nakipag-away ito sa kanya. Ang silid ay tuluyang mapupuno ng mga sukluban na singhot at hikbi.
Karapat-dapat talaga siyang may karamay!
Ang nabugbog na maliit na Lotus ay muling nag-ambag ng kanyang mga luha habang nakasiksik siya sa sulok ng silid habang nanginginig pa ang maliit niyang katawan habang nakatingin ito sa itim na pusa na kalmadong dinidilaan ang mga paa sa gilid ng kama.
Katatapos lang mag-ipon ng luha ni Jun Wu Xie nang may mahinang katok sa pinto. Sa nakasanayang paraan, mabilis niyang pinilantik ang kanyang kamay habang ang maliit na puting Lotus ay agad na nawala habang ito ay naging isang halos hindi nakikitang singsing sa singsingan na daliri ng kanyang kanang kamay.
"Pasok ka . ”
Bumukas ang pinto at tumayo roon si Long Qi at bahagyang yumuko habang pinapanatili ang kanyan tindig na nakayuko ang ulo habang naglalabas ng dalawang pergamino.
“Inutusan ako ng Pangalawang Guro na ibigay sa iyo ang mga ito, Munting Binibini . ” Si Long Qi ay isang taong kakaunti ang salita, kahit hindi siya masyadong nagsasalita, ang tono ng kanyang pagsasalita ay iba kumpara sa nakaraan. Bagama't may kalamigan, ngunit mayroon itong pahiwatig ng paggalang.
Ang katawan ni Jun Qing ay bumuti sa nakababahala na bilis at alam niya na ang lahat ng karangalan ay nakasalalay sa dalagang ito sa harap niya.
“Ilagay mo sa ibabaw diyan . ” Tinuro ni Jun Wuxie ang malapit na mesa habang dahan dahang itinaas ang kanyang ulo.
Muling yumuko si Long Qi nang pumasok siya sa silid nang hindi nakipag-tinginan sa mata, tumingin lang siya sa sahig habang papasok siya. Matapos ilagay sa mesa, Aalis na sana siya nang bigla sinabi ni Jun Wuxie, “Sandali . ”
Agad siyang natigilan sa kinatatayuan.
“Dalhin mo na rin ang gamot na nasa mesa . ” Iginiit niya.
Itinaas ni Long Qi ang kanyang ulo at tumingin sa mesa at nakita ang isang maliit na puting bote ng porselana.
Habang kinuhuha niya ito, tanong niya, "Paano ko dapat ilapat ito para sa Pangalawang Guro?"
“Para sayo iyan. ” Habang sumulyap sa kanya.
Nanigas ang buong katawan niya.
"Sa iyong pinsala, paano mo inaasahan na gumawa ng isang mahusay na trabaho sa pagprotekta sa aking tito? Sa hinaharap, huwag gumawa ng mga kalokohang bagay. ”
Bilang isang mangagamot at ang kanyang matinding pang-amoy, paanong hindi niya mapansin ang mahinang amoy ng dugo?
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...