--CHAPTER ONE--
EMILY
HABANG nagkakasiyahan ang lahat sa loob ng palasyo. Kung saan-saan naman ako nakarating, hawak-hawak ang bagay na bigay sa akin ng aking nakakatandang kapatid. Nagmula pa raw ito sa mundo ng mga tao l. Android phone raw ang tawag dito, kakatwa nga, dahil ang dami kong puwedeng gawin sa kasangkapang ito.
Natutunan niya rin raw ito sa mundo ng mga tao, nang mapadpad siya roon. Masaya ako, dahil tinuro niya sa akin ang mga bagay na ito. Maaari ko itong gamitin kapag nababagot ako at walang magawa rito sa loob ng palasyo. Nakakatamlay nga rito, walang masyadong makausap. Maraming bawal at nakakainis iyon.
Naisipan ko namang kumuha ng litrato. Tinuro rin ito ng aking kapatid, camera naman raw ang tawag dito.
“Ayan! Napaka-ganda ko talaga!” puri ko sa aking sarili, habang pinagmamasdan ang aking mukha sa kasangkapang hawak ko.
Habang aliw na aliw ako sa aking ginagawa. Bigla namang humampas ang malakas na hangin, dahilan upang ako’y matigilan. Naalerto naman ako at pinakiramdaman ang buong paligid.
“Prinsesa, Emily! Nariyan lamang pala kayo? Kanina pa kayo hinahanap ng mahal na hari!” Bigla namang sumulpot ang aking taga pag-alagang si Minaya. Istorbo siya, hindi pa ako tapos sa aking ginagawa, e!
“Nariyan na! Istorbo ka naman, e. May ginagawa pa ako!”
“Prinsesa, baka nakakalimutan ninyong, mayroong pagdiriwang sa loob ng palasyo.”
“Batid ko, naglili-waliw lamang ako rito. Saka, ayoko naman makisaya roon. Nakakainip lamang doon sa loob.”
“Palagpasin mo na lamang ito, mahal na prinsesa. Minsan lang naman magkaroon ng pagdiriwang dito sa palasyo. Saka, magsisidatingan ang mga iba't ibang makikisig na prinsipe sa ibang kaharian. Para lamang makita ka, mahal na prinsesa.”
“Wala akong pakialam sa kanila! Gusto lang naman ni ama na makahanap ako ng mapapangasawa. Ayoko nga!” Nakakainis na itong si Minaya. Ayoko nga marinig ang kahit ano, tungkol sa mga ganyang bagay. Hindi ako interesado.
Nang makapasok na kami sa loob. Magagandang tugtugin, nag-gagandahang palamuti, mga bisitang magaganda ang kasuotan ang sumalubong sa amin. Nakakita rin ako ng mga makikisig na ginoo at magagandang dilag na imbitado sa selebrasyon ng palasyo.
Naupo ako malapit sa aking ama. Nakapalong-baba lang ako, habang pinapanood ang mga bisita na nagsasayaw. Nakababagot nga, e. Kung hindi ako nakita ni Minaya, hindi sana ako dadalo rito.
“Anak? Bakit hindi ka nagsasaya? May dinaramdam ka ba? Masama ba ang iyong pakiramdam? nag-aalalang tanong naman sa akin ni ama.
“Wala po ito, huwag n’yo na lamang po akong pansinin. Iwan n’yo na lamang ako at magsaya kasama nila,” walang ganang sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Gangster (ON-HOLD)
FantasyThey're not twins They're not the same Actually, hindi sila pareho ng pinagmulan A human and a no human Weird right? Pero they both have one same goal