Chapter 2

379 57 10
                                    

--CHAPTER TWO--

AUTHORITY

HABANG nagmamaneho gamit ang motor ko, papasok sa school. Sandali akong natigilan sa may iskinita nang may napansin akong isang lalaking pinagkakaisahan ng tatlong lalaki.


          “Nakaiintindi ka ba?! Sabi nang ibigay mo na ang wallet mo, e!” rinig kong sabi ng lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, sabay suntok sa tiyan ng biktima nila. Naisipan ko naman nang bumaba sa motor ko at in-obserbahan ang pangyayari.

          “Teka lang po! Baka, puwedeng pag-usapan natin ‘to nang maayos?” pakiusap naman ng lalaki sa mga ito. Pero hindi nila inintindi ang pakiusap nito, bagkus ay sapilitan nilang kinuha ang kanyang bag at sinundan pa nila ng suntok sa tiyan at maging sa mukha ng walang laban at lampang lalaki. Bumagsak ito sa sahig at saka natanggal ang suot nitong salamin sa kanyang mata. Hinagis naman pabalik ng mga ito ang bag ng lalaki nang malamang wala naman pala silang mapapala rito. Akmang paalis na ang mga ito nang bigla ko silang pigilan.


          “Mga walang kuwenta!” singhal ko. Agad naman silang napatingin sa akin.

          “Sino ka naman?”

          Hindi ko sila sinagot, bagkus ay mabilis ko silang sinugod. Pinaulanan naman nila ako ng suntok at sipa pero, nailagan ko naman ang mga iyon. Napahiga ako sa isang kahoy na lamesa habang pinagtutulong-tulongan nila. Mabilis naman akong nakakailag muli sa mga atakeng binibitawan nila, habang ang isa naman sa harap ko ay may hawak na makapal na kahoy upang ipampalo sa akin. Mabilis akong kumilos upang sipain ang kaniyang maselang parte. Nabitawan naman niya ang hawak niya at saka dinaing ang sakit nang pagkakasipa ko sa kanya. Habang ang ilan naman ay patuloy ang pag-atake sa akin.

          “Hindi na ako natutuwa sa inyo!” reklamo ko naman sa kanila. Nang matigilan kami at nagtitigan sandali.

         “Mas lalo naman kami!”

         Mayamaya lang ay sinugod na naman nila ako, at sa sandali namang iyon ay bigla na nilang inilabas ang kani-kanilang balisong. Huminga ako nang malalim at saka ko ulit silang mabilis na sinugod. Nagawa kong mailagan ang pag-atake nila, gamit ang kanilang mga balisong.


          Sa pagkakataon ito, mas lalo naman akong nakaramdam nang excitement. Inunat-unat ko ang leeg ko at saka ang mga daliri ko.


          “Ang ganitong ka-walang kuwentang laban ay hindi na dapat pinatatagal pa!” sambit ko, habang nakangiti sa kanila.


         “Masyado kang mayabang, babae ka lang!”


        “Bakit hindi natin patunayan?” pang-aasar ko pa sa kanila. At sa sandaling iyon ay napagpasiyahan ko nang tapusin na talaga sila. Masyado na akong natutuwa sa kanila, kaya't natagalan ako sa pagtapos sa mga lampang gaya nila.


         Muli na naman silang sumugod sa akin, habang ako ay walang ginagawa. Inaabangan ko lang na makalapit na sila sa akin. At nang makalapit na nga sila, umikot ako at napatalon, at sa isang malakas na sipa lang ay napabagsak ko ang isa sa kanila at saka ko isinunod ang dalawa. Matapos iyon ay agad ko namang inayos ang aking buhok mula sa pagkakagulo.

         “Tinatanong niyo kung sino ako ‘di ba? Well, Authority nga pala. Pero mas kilala sa tawag na “Lady Thorium” Don’t forget that name!” nakangisi ko pang sabi sa kanila.

The Princess and the Gangster (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon