Chapter 3

341 49 4
                                    

--CHAPTER THREE--

EMILY


NAGISING ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata upang malaman kung nananaginip lamang ba ako? Ngunit palagay ko’y hindi.



            “Nasaan ako?” takang tanong ko at tumingin-tingin sa buong paligid. Nanlaki naman ang aking mga mata sa mga nakikita ko. Hindi ko maintindihan, nasaan na ba ako?

             Nagsimula akong maglakad upang alamin kung may nilalang na maaari kong mapagtanungan. Napapakunot-noo ako, may mga mabibilis na bagay ang dumaraan sa aking harapan. Bigla naman akong napahinto, dahil sa nakakabinging tunog na umalingaw-ngaw sa aking kinaroroonan.

          “Hoy, baliw! Magpapakamatay ka na ba?!” rinig kong sabi ng isang lalaki. Agad naman akong napatingin sa kaniya. Nasa loob siya ng isang bagay na hindi ko alam kung ano iyon?

             “Bingi ka ba? Umalis ka sa daan!” sigaw pa nito sa akin. Lalo naman akong napakunot-noo, lapastangan! At sino siya para ako ay kaniyang sigawan?!

            “Walang kahit sino man ang maaaring sumigaw sa akin, pangit na nilalang!”


            “Ano’ng sabi mo? Ako? Pangit?!” Bakit tila, siya pa ang galit? Nagmadali naman siyang bumababa sa bagay na iyon.

            “Oo! Hindi mo ba alam iyon? Ang pangit mo!” kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo.

             “Aba, hoy! Wirdong babae naka-costume pa? Ang lakas din ng loob mo na sabihing, pangit ako? Sabi kaya ng magulang ko na ako ang pinaka-gwapo sa angkan namin!” pagmamalaki naman nito sa akin.

            “Naniwala ka naman? Ikaw na ang pinaka-pangit na nilalang, na nakita ko sa tanang buhay ko.”


           “Aba! Sumosobra ka ng baliw ka! Pasalamat ka, dahil babae ka. Kung hindi, kanina ka pa nakatikim sa ‘kin nang sapak!” Nakakainis na ito, a?! Gagamitan ko na sana siya ng aking kapangyarihan. Nang bigla akong natigilan dahil sa tunog na aking narinig.

     

    

           “Ano’ng kaguluhan ‘to?” Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakasuot ng kakaibang kasuotan. At ang ayos nila, kakaiba rin. Tila, pinagmamasdan nila ako at ang aking kasuotan.


          “Ito kasing baliw na babae! Haharang-harang sa daan,” litanya ng pangit sa dalawang lalaki.


            “Totoo ba ito, miss?” tanong naman nila sa akin.


            “Wala akong ginagawang kasalanan. Ang lalaking iyan ang dapat ninyong parusahan. Sapagkat ako’y kaniyang, pinagtaasan nang boses!”


            Parang hindi naman sila makapaniwala sa mga sinasabi ko. Bakit ganoon?

            “Kita n’yo na! Baliw talaga ang babaeng ‘yan, mga mamang pulis. Mukhang takas pa sa mental.”

The Princess and the Gangster (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon