--CHAPTER FOUR--
EMILY
“WHO are you?!” Halos hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko rin magawang harapin siya.
“I said, who are you?! Are you deaf?!” mariin niyang tanong. Ano bang sinasabi nito? Hindi ko maintindihan. Nataranta naman ako sa kaniya, kaya’t kaagad kong inayos ang aking sarili at saka ako tumayo nang matuwid. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya? Hindi ko naman kasi siya maintindihan, e? Paano ba ito?
“Sino nagpapasok sa ’yo rito? At ano’ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko?! Humarap ka nga!” Huminga ako nang malalim at saka ko siya dahan-dahang hinarap.
“Kung hindi ka pa aalis dito, tatawag ako ng securi-- teka, ate Authority?!” Ano ba ang kaniyang sinasambit? Kakaiba talaga ang pananalita ng mga tao.
“Hindi Authority ang pangalan ko, Emily!”
“You can’t fool me! Nagdamit ka pa talaga ng ganyan, a?”
“Hindi kita maintindihan, pero nagkakamali ka. Hindi ako si Authority na sinasabi mo! Ako nga si Emily Windsor! At isa akong prinsesa ng isang makapangyarihang kaharian!”
“What?! Ate? Are you in drugs? Why are you acting so strange, like that?”
“Huh? Hindi kita maintindihan, ginoo.” Napakamot naman siya sa kaniyang ulo at bakas ang pagtataka nito sa nangyayari. Maging ako ay nagtataka sa kaniyang sinasabi, ngunit bakit tila kilala niya ako?
“Ate naman, ano bang nangyari sa ‘yo?”
“Hindi kita maintindihan, ginoo. Pero ako nga si Emily Windsor, nagmula sa kaharian ng machate,” pormal kong sagot sa kaniya. Kita ko naman ang pagkunot ng kaniyang noo.
“Huh? Ano? Kaharian ng makati? Kailan pa nagkaroon ng kaharian ang makati?”
“Hindi! Kaharian ng ma-cha-te!” pagtatama ko naman sa kaniya.
“Seriously ate? Malala ka na ba? Nakasuot ka pa talaga ng ganyang damit? Akala ko ba, hindi mo trip ang mga ganyan? Tapos, kung magsalita ka pa, parang sinaunang tao?” saad niya pa habang tinuturo ang kasuotan ko. Bakit? Ano ba ang mali sa suot kong ito? Nginitian ko na lamang siya, kahit na hindi ko pa rin gaano maintindahan ang mga sinasabi niya sa akin.
“Kung ano man ang iyong iniisip, nagkakamali ka. Sapagkat ako ay hindi nagmula sa mundong ito.” muli kong paliwanag sa kaniya, ngunit tila hindi pa rin ito kumbinsido.
“Pinaglololoko mo ba ako ate? Ano bang nangyari? Nabagok ba yang ulo mo?!”
“Hindi kita niloloko, ginoo. Totoo ang mga sinasabi ko sa iyo.” Kahit ano ang paliwanag ko, hindi pa rin ito naniniwala. Ano ba ang dapat kong gawin, upang siya ay maniwala sa akin?“Kapag hindi ka pa umayos ate, isusubong kita kay mommy at daddy!” Sandali akong pumikit, kailangan ko nang gamitin ang kapangyarihan ko, upang maniwala siya sa akin. Ito na lang ang naiisip kong paraan. Sana lamang ay hindi siya matakot.
Bigla kong iminulat ang aking mga mata at siya ay tinitigan, upang makita niya ang aking mga matang unti-unting nagbabago. Kita ko naman ang reaksyon nitong, tila hindi makapaniwala sa nangyayari sa akin. Mayamaya lamang ay pinalutang ko ang aking katawan at saka ako naglabas ng isang malakas na enerhiya, dahilan upang magsimulang magulo ang kaniyang mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Gangster (ON-HOLD)
FantasyThey're not twins They're not the same Actually, hindi sila pareho ng pinagmulan A human and a no human Weird right? Pero they both have one same goal