Overthinking

23 6 0
                                    


Maraming tanong sa isipan na kailanma'y hindi ko man masagutan. Minsan ay napatulala na lamang sa di malamang dahilan.

Ano ba kasi ang dapat gawin sa sarili kong hanggang ngayon ay nakatulala pa rin?

Minsa'y napapaiyak dahil sa naguguluhang puso't isipan. Bakit ganito?

Parang may gusto akong itanong pero di ko alam kung ano ang itatanong!

Parang may gusto akong malaman ngunit di ko alam kung ano iyon?!

Nababaliw na ba ako? O sadyang nalulunod lang ang aking isipan?

Bakit hanggang ngayon ay pakiramdam ko'y ako lang yata ang taong nagkakaganito, minsan nga ay napapatanong na lamang ako——" May sakit ba ako? Oh di kaya napapraning lang ba ako?"

Hindi ko na alam!

Dahil sa lalim ng aking iniisip, namalayan ko nalang ang aking sarili na may hawak na  papel at panulat at nagsimula na pala akong magsulat ng mga iniisip ng aking utak.

***********************

Date Written: May 28, 2020

My CompilationWhere stories live. Discover now