Hindi Pa Ba Sapat?

135 8 0
                                    


Hindi pa ba sapat na Ikaw at Ako ay maging TAYO?

Bakit hindi marinig ang matamis na Oo? Hindi sa pagmamadali pero gusto ko lang malaman na ako ba'y may pag-asa sayo?

Bakit hindi pa sapat ang mga ginawa ko para lang ikaw ay maging akin? Ginawa ko naman lahat pero bakit siya parin?

Bakit siya parin ang pinili mo?

Bakit di ko maranasan ang inaasam-asam na kwento na katulad sa mga nababasa ko?

Sana sinabi mo sa umpisa palang ay wala na akong pag-asa upang hindi na ako umasa na ikaw ay maging akin pa.

Sana maging masaya ka sa piling niya, makita ko lang ang matamis mong ngiti na kasama siya ay masaya na rin ako na nakikita kang kapiling mo siya.

Maging maligaya ka sana.

Paalam.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Gusto ko lang sabihin na mahal parin kita.

************************

Date Written: August 1, 2019

My CompilationWhere stories live. Discover now