Someone's POV

21 6 2
                                    

Minsan iniisip ko kung bakit naging ganito ang buhay na nakalaan sakin. Naiinggit ako sa iba kahit hindi naman dapat. Bakit ganito? Normal lang bang magalit at mainis sa sarili kahit wala ka namang kasalanan?

Naaawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Minsan iniisip ko kung napapraning lang ba ako? Nag-iinarte? Nago-overeacting?
O kung ako lang ba ang may ganitong pag-iisip?

Ayos naman ang pamilya ko, hindi kami mayaman pero may kaya parin naman kami. May kompleto akong pamilya at kontento naman ako sa kung anong meron ako, pero bakit ganito? Bakit may parte saakin na tila parang hindi buo ang pagkatao ko.

Mabait naman akong anak. Hindi ako sumusuway sa mga nakakatanda at mga magulang ko. Lahat ng gusto nila sinusunod ko, na kahit wala nasa kagustuhan ko ay ginagawa ko parin para maging proud at maipaglaki nila ako. Pero habang tumatagal, unti-unti kong naiisip. Paano kaya kung sa ngayon, kagustuhan ko naman ang sundin ko? Susuportahan kaya nila ako?

Sinubukan ko naman, I tried to reached out and shared to them my feelings and thoughts, sa mga bagay na gusto kong marating, lalo na rin sa kursong gusto kong kunin. Ngunit lahat ng yon ay pinagsisihan kong gawin.

Imbes na makaramdam ako ng comfort at suporta, imbes na tumaas lalo ang determinasyon ko sa pag-abot ng goal at pangarap ko. Kabaliktaran lang ang nangyari nang marinig ko ang mga katagang sinabi nila sakin.

Bigla akong nawalan ng gana. Bigla akong nakaramdam ng disappointment sa sarili at lalo na sakanila. Bigla akong nalungkot, bigla akong nag doubt sa sarili kong kakayahan. Napatanong ako bigla sarili ko kung kaya ko ba?

Natatakot akong sumuway. Kung susundin ko ang kagustuhan at payo ng mga nakakatanda at magulang ko, magiging proud sila sakin, magiging masaya sila at maipagmamalaki pa nila ako ngunit kailangan kong isakripisyo ang kagustuhan at kasiyahan ko. They said parents know what is best pero minsan ba, sumasagi rin ba kaya sa isipan nila ang kagustuhan nating maabot din sa buhay? Sumasagi rin ba isip nila na masaya ba tayo sa kagustuhan nilang propesyon na tatahakin natin?

Ang dami kong mga 'What If' na tumatakbo ngayon sa utak ko. Paano kung mag take ako ng risk? Na magiging matapang ako na sundin at tahakin ang kagustuhan kong maging? Makakaya ko kaya? Magiging successful ba kaya ako sa oras na sundin ko ang sarili kong mga pangarap? Pero may parte sa akin ang naduduwag, na baka sa oras na sumuway ako at sundin ang kagustuhan ko eh mag failed ako at mapupunta nalang sa sitwasyon at iisipin na 'Tama nga sila, dapat sana sinunod ko nalang ang kagustuhan nila'. Being practical is more important daw, kaya itong kagustuhan ko ay dapat lang na isantabi dahil wala raw akong maaabot pagkat ang kagustuhan kong 'maging' ay hindi raw demand.  May Punto naman sila. Tama sila.

Kaya sa huli, I decided to forget all my wants in life. I decided to abandon and put aside my dreams and goals for myself. I decided to follow their wants for me, dahil ayaw kong ma disappoint sila sakin. Ayaw kong sisihin at susumbatan nila ako sa oras na hindi ako magtagumpay sa oras na sundin ko ang kagustuhan ko sa buhay.

Kahit alam kong hindi ako magiging masaya sa kagustuhan nila para sakin, the important thing for me is that I remained good and did not disobey them. Hindi ko na kasalanan kung hindi ko matatagumpayang abutin ang mga pangarap nila para sakin, mga pangarap na kailanman ay hindi akin.

                                      —Unknown

*******************************

Date Written: July 25, 2023

My CompilationWhere stories live. Discover now