Sa Pagpikit ng Aking mga Mata

21 6 0
                                    


Ako'y nandito sa inyong harapan upang ibahagi ang nilalaman nitong sinulat kong tula na pinamagatang "Sa Pagpikit ng Aking mga Mata"

Bituin na kumikislap sa kalangitan, ilaw ng buwan na nakikita ko sa karagatan, ihip ng hangin na nagbibigay buhay sa aking nararamdaman.

Tila ako'y lumulutang sa paraisong diko alam kung saan, ang alam ko lang ay nandito ako upang tumakas sa mapait na kapalaran.

Buhay ko ay tila isang papel na blanko, walang kasiguraduhan kung saan patungo. Pangarap na tila bula na biglang naglaho, mga gunita na kung saan-saan nalang napunta, tila agos ng tubig sa ilog na hindi ko alam kung may hangganan ba.

Lagi akong masaya sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Lahat nang nakikita ko ay puro ligaya.

Lahat ng pangarap ko ay natupad nalang bigla, mga gusto kong gawin sa buhay ay bigla kong nagawa. Buhay na gusto kong makamtan ay aking nakuha. Ngiti na gumuhit sa mga labi ng aking pamilya ay aking nakita, naramdaman ko ang gusto nilang iparating. Mga kataga na gusto kong marinig ay lumabas sa kanilang bibig. Ngunit, ngunit lahat ng ito ay bahagi lamang ng aking kathang-isip.

Sa pagdilat ng aking mga mata napagtanto kong ako'y isang dalaga na nangangarap lang pala.

Lahat ng mga pangyayaring iyon ay tanging nakikita ko lang pala sa pagpikit ng aking mga mata...

****************************

Date Written: September 15, 2022

I still remember na grabe yung kaba ko habang sinusulat ko to. Our teacher sa 'Contemporary Art' pagpasok palang niya sa classroom ay biglang nagpagawa agad  samin . Express yourself through poem or spoken word poetry daw any topic and languages  then after 30 minutes eh present agad sa harapan.

Ayon hindi ako nakapresent sa harapan ng klase dahil sa sobrang kaba lalo na at voluntary kang dapat pumunta doon. Ayon, ang ending sa mga katulad kong hindi nakapresent pinagawa kami ng video na kita kaming nag pe-present sa sinulat namin then upload our output sa gcr. Skl.

My CompilationWhere stories live. Discover now