Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11

"Mom! I'm home!" Masayang pagtawag ni Tania pagkapasok sa loob ng bahay.

"Mom? Aling meldy?" Muling pagtawag niya.

Walang sumasagot kahit na ang katiwala nitong nagbabantay sa kanyang ina.

Nakaramdam agad sya ng takot kaya agad syang umakyat sa taas hndi nya napigilang gamitin ang bilis niya para makaakyat agad. Binuksan nya ang silid ng ina pero wala ito doon, sunod na pinuntahan nito ay ang garden wala din ito doon. Nalibot niya ang paningin pero wala syang makita kahit na isang tao.

Agad syang napalingon sa daan papunta sa gate ng makaranig sya ng pagbukas non kahit ilang metro ang layo nito. Sinalubong niya ang taong pumasok mula don at si Aling meldy yon.

"M-maam Tania k-kayo po p-pala?" Nakikita nya sa mukha nito ang gulat at may tintago sa likuran nito.

Binasa nya ang laman ng isip nito ng magiwas din ito ng tingin sa kanya at napamura na lang sya.

"Why you didn't tell me Aling meldy!" Reklamo nya sa katiwala.

"A-ang alin p-po m-maam?" Maang maangan pa nito kahit alam na nya ang totoo.

"That mom are in the ICU! Kelan pa?"

Halos bumalatay sa mukha nito ang gulat sa sinabi niya at parang hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Tell me the truth, Aling Meldy." Puno ng pagmamakaawa ang boses niya.

"M-maam n-noong i-isang buwan p-pa po. A-ayaw daw ni m-madam na m-magalala kayo k-kaya di nya p-pinasabi" Nauutal at Malungkot na tugon ni Aling Meldy sa kanya.

"Let's go. I want to see mom." Hindi na inantay pa ni Tania na magsalita pa ang katiwala at halos lakad takbong nagtungo sa kanyang sasakyan.

Tinatahak nila ngayon ang daan patungo sa hospital kung saan naka confine ang kanyang ina. Nagaalala sya para dito kung kaya't hndi siya mapakali sa pagdridrive.

Pagdating sa hospital pinauna niya si Aling Meldy dahil ito ang nkakaalam kung nasaan ang ina nya. Sumilip sya sa isang glass window ng isa sa mga ICU at nkita nyang nakaratay don ang halos ilang taon na nyang tinuring na parang tunay na ina.

"A-anong sakit n-nya?" Pinilit nyang itago ang panginginig nga boses nya pro hndi sya ngtagumpay.

"Sabi daw ng doktor may cancer daw sa dugo si Madam Sandy" Madidinig din sa boses nito ang lungkot kaya naluha na lng sya.

"P-pero wala s-siyang s-sinabi saking m-may ganyan s-siyang s-sakit" Maluha luhang sambit nya habng pinagmamasdin parin ang pinaka mamahal nyang ina.

Napailing si Aling meldy kaya napalingon si Tania sa kanya.

"Mukhang itinago ho yon satin ni madam. Stage 4 na daw ang cancer niya kaya anytime daw po ay..." Halos hindi na maituloy ni Aling Meldy ang sasabihin at naiintindihan niya kung bakit hndi nito masundan ang sasabihin. "Sinasabi ko ito sa inyo maam kasi ayoko ng magsinungaling tungkol sa kalagayan ni madam" May pumatak ng luha sa mga mata ni Aling Meldy.

Lingid sa kaalam ng iba parang magkapatid na rin ang turingan ng dalawa dahil simula ng mapunta siya sa tahanan ng itinuring niyang ina ngayon ay kasa-kasama na nito si Aling Meldy.

Nasapo na lang nya ang bibig upang pigilan ang paghagulhol dahil sa nalaman at walang tingil na pumatak ang mga luha nya sa mata.

Naramdaman nya naman ang mga haplos ng matandang kasama para iparamdam na hndi sya ng iisa. Hndi nya alam ang gagawin kung may isa na naman sa mahahalaga sa buhay nya ang mawawalang muli.

Ilang araw ang lumipas hindi sya umalis ng hospital para bantayan ng ina at si Aling Meldy lang ang umaalis para dalhan sya ng pagkain at damit sa pangaraw araw. Sinalubong nya ang doktor na tumitingin sa lagay ng kanyang ina.

"Doc, how's my mom? Is she oky? Any improvement?" Aligagang tanong nya sa doctor.

"I'm sorry Ms.Verreno but Mrs.Valencia didn't respond to any of our medication and was sad to say kung magtutuloy tuloy ito ay hindi ko masasabi kung bibigay ang kanyang katawan." Malungkot na tugon sa kanya ng doctor.

Nanghihinang napaupo na lang sya sa upuan at napatakip ng mukha dahil hindi na namn niya mapigilan ang mga luha nya.

"I suggest to be ready anytime, Mr.Verreno." Sinserong ani ng Doktor at narinig na nya rin ang papapalayong yabag nito.

Pakiramdam niya ay mas lalong nadudurog ang puso niya kapag inaalala ang huling sinabi ng doktor. She's still not ready for it, and it will never be.

I Love The Taste Of His Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon