Chapter 23

1 0 0
                                    

Chapter 23

BAGO plang sya makapasok sa garahe alam na nyang may ibang tao sa loob ng bahay nya. Hndi si Levid o ang bestfriend niya dahil bago palang ang aurang nararamdaman nya galing sa loob.

Kelangan nyang tatagan ang loob dahil walang magtatanggol sa kanya. Sarili nya lng ang aasahan nya ngayon.

Binuksan nya ang pinto ng bahay at ang ilaw sa salas. Hndi sya nagpahalatang alam nyang may kasama sya sa bahay. Pagkalapag nya ng susi ng sasakyan sa center table ay may dalawang lalakeng nagpakita sa kanya.

Ang isa ay lumabas sa pinto ng kusina at ang isa nmn ay galing sa ikalawang palag.

"Sino kayo?" Kalmadong tanong nya sa dalawang bampirang nkatingin sa knya.

Pinilit nyang pakalmahin ang sarili. Natatakot sya sa mga matang pula yon pero naisip nyang walang magagawa ang takot nya sa oras na ito.

"Pinadala kami ni Don Alejandro para paslangin ka" nakangising sambit ng bampirang sa kusina galing.

Napaismid naman sya sa sinabi nito at inalis na nya ang takot nya kaya makakaya na nyang lumaban ng walang pagaalinlangan.

"Then try if you can" Pagkasambit nya non ay inilabas na nya pagiging bampira nya. Berdeng mata, matatalas na kuko at mga matatalim na pangil.

Sumugod ng sabay ang kalaban nya at nakailag sya sa unang suntok at nasangga namn nya ang isa. Sinipa nya ang isa pero nahawakan nito ang isa nyang paa kya agad nyang sinutok sa dibdib ang isa dhilan pra tumilapon ito at mabilis syang lumundag pra isipa ang isa pa nyang paa sa isa pangbampira.

Agad nakabawi ang sinuntok nya sa dibdib. Sumugod ito at sunod sunod na umatake kaya nakalmot sya nito sa braso. Malalim ang kalmot na yon pero hndi na nya magawang mainda yon dhil dalawa na ulit ang kaharap nya.

Wala silang gingawa kundi ang magpalitan ng suntok at sipa at kalmot. Madami dami narin syang natatamong kalmot kya naiinis na sya. Sumugod ulit ang dalawa nyang kalaban pero sa pagkakataong ito buong lakas na syang lalaban.

Buong lakas nyang sinipa ang isa at tumalsik ito palabas sa garden dahilan ng pagkabasag ng sliding door nya. Ginamit nya yong pagkakataon pra tapusin ang isa nyang kalaban mas niliksihan nya ang kilos nya at ng makakita ng tyempo. Walang pagaalinlangan dinukot nya ang puso nito at tinapon kung saan. At unti unti itong naging abo.

Hindi nya napansing nakatayo na pala ang isa nyang kalaban kya nkalmot sya nito sa likod. Kahit na sobrang sakit. Hinarap nya ulit ito at mukhang buong lakas na din itong lumaban sa knya. Hindi siya pedeng matalo, yoon ang nasa isip nya kaya lumaban din sya.

May pagkakataong nasisipa, nakakalmot at nasusuntok sya pero hindi sya nagpatinag. Ginamit nya utak nya pra makakita ng lusot at ng magkamali 'to ng galaw kinuha niyang tyempo yon. Tinadyakan nya ulit ng malakas pero sa pgkakataong yon sinigurado nyang sa pader ito tatalsik. Bumaon ito sa pader kaya't hndi ito agad nakakilos isang segundo lng ng makalapit sya dito.

"Kinalulungkot kong sabihin na mukhang hndi ito ang oras ko" Pagkasambit nya ng mga salitang yon agd nyang dinukot ang puso nito. At gaya ng nauna unti unti rin itong naging abo.

Unti unti nang bumabalik sa normal ang itsura nya. Napaluhod sya dahil sa sobrang pagod at maliliit nyang sugat namn nya ay unti unti ng naghihilom kaya naman ang mga malalim na sugat na lang ang natira.

Humiga sya sa malamig na sahig kahit may sugat sya likod ay hinayaan nya itong dumugo. Dahil sa isip nya maghihilom din naman mga yon hindi nga lamang ito kasing bilis ng paghilom ng maliliit niyang sugat.

Ipinikit na nya ang mga mata at hinayaang lamunin ng antok dahil sa pagod. Kelangan nyang magpahinga dahil namamanhid at nanghihina na ang katawan nyang bugbog.

I Love The Taste Of His Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon