CHAPTER 9.
Third Person's POV.
Habang nakayakap si Scarlet sa kaniyang anak ay napatingin naman siya sa lalakeng nakangiting nakatingin sa kanila na siyang ikinagulat. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa binatang nakapamulsa. Itinaas ng binata ang kaniyang kamay at kumaway sa kaniya at tumawa ng mahina.
"Dominic?", Bulalas ng dalaga.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa kaniyang anak. Taka naman na tumingin sa kaniya ang anak niya.
"You know him po Mommy?", Taka nitong tanong.
Natawa ng mahina si Scarlet at ginulo ang makapal na buhok ni Hanzo. Naglakad naman palapit sa kanila ang binatang tinawag ni Scarlet na Dominic.
"Long-long time no see Scarlet.", Malaking ngisi na sambit ni Dominic.
"Ang tagal mong hindi nagpakita ah. Ang laki rin ng pinagbago mo.", Manghang sabi ni Scarlet.
Napatawa naman si Dominic sa kaniyang sinabi.
He is Dominic Morgan, the childhood cousin of Scarlet. High school palang sila nong time na umalis siya upang lumipat sa France at doon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Dominic Morgan is a gentleman, caring, lovable, smart, handsome, tall, muscleman, and also not yet married. He is now a Famous Model and also a CEO from France.
"Hanzo, this is your Tito Dominic. He is my cousin.", Sambit ni Scarlet.
"Really?! He is my Tito?!", Nakangiting bulalas ni Hanzo at kumikislap-kislap pa ang kaniyang mga mata sa saya.
Isang tango naman ang isinagot ni Scarlet bago nagsimulang magsigaw-sigaw ang kaniyang anak sa saya at lumapit kay Dominic upang yakapin ito. Napailing na lamang si Scarlet sa kakulitan ng kaniyang anak habang natawa naman si Dominic dito.
"Tito let's go in arcade! Let's play!", Aya nito.
"Sure!", Tugon naman ng binata.
Lumingon naman si Hanzo sa kaniyang Ina na nakatingin lamang sa kanila.
"Can we go Mommy?", Sabi nito at nagpapakyut pa na ikinatawa ng kaniyang Ina.
"Sure! Huwag pasaway kay Tito ah.", Bilin niya na tinanguan lamang ng kaniyang anak na may ngiti sa labi.
Nagsimula nang maglakad si Dominic karga-karga si Hanzo palabas ng National Bookstore. Naiwan si Scarlet sa loob na may ngiti sa labi habang tinatanaw ang kaniyang anak na sobrang saya. Napabuntong hininga siya bago binalikan yung mga libro kanina na iniwan niya.
Nang makuha na niya ang libro ay nagtungo na siya sa counter upang mag-bayad. Habang nag-hihintay siya na matapos ang cashier ay nakaramdam siya na parang may nagmamasid sa kaniya. Tila ay lumakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi napigilan na lumingon-lingon sa paligid.
Ilang beses na siyang nakaramdam ng ganito yung feeling na parang may nakatingin sayo pero wala naman. Napailing na lamang si Scarlet at binigay na yung pera sa cashier at binitbit ang paper bag na nilalaman ng tatlong story book ni Hanzo. Nang makalabas siya sa National Bookstore ay tinungo niya agad ang Arcade upang puntahan ang dalawa.
Habang naglalakad siya ay bigla nalang may bumangga sa kaniya kaya nabitawan niya yung paper bag.
"Sorry. Sorry.", Paumanhin niya at yumukod upang pulutin ang paper bag.
"What the h*ck b*tch?! T*nga ka ba! Or b*lag?!", Galit na sambit ng babae.
Nang mapulot ni Scarlet ang dala niya ay tumayo na siya ng maayos at kunot-noong hinarap yung babae na kung sino pa ang bumangga siya pa ang may ganang magalit.