CHAPTER 14.
Scarlet's POV.
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Bumangon ako at nagkusot-kusot ng mata bago tumingin sa wall clock at nakitang alas 7 na pala ng umaga. Linggo ngayon at walang pasok sa trabaho kaya makakapag-bonding ulit kami ng anak ko.
Tumayo na ako at nagtungo sa banyo upang mag-sipilyo at hilamos. Pagkatapos kong gawin ang aking morning routine ay lumabas na ako ng silid. Mula dito sa hallway ay nakarinig ako ng ingay galing sa sala. Nangingibabaw ang boses ni Hanzo na parang may kalaro.
Napabuntong hininga ako.
"Agang-aga naman upang mag-laro.", Bulong ko at nagsimula nang maglakad.
Nang makababa ako galing second floor ay tinawag ko agad ang aking anak.
"Hanzo!", Tawag ko.
Patungo ako sa sala at bumungad sa akin si Hanzo na patakbong lumapit sa akin.
"Mommy!", Sambit nito at niyakap ako sa binti na ikinatawa ko naman ng mahina.
"Good morning Mommy!"Hinalikan ko siya sa noo.
"Good morning din My Hanzo. It's too early to play honey.", Sabi ko.
"Because Uncle Dominic is here Mommy!", Masigla niyang sagot.
Agad akong nag-angat ng tingin at nakita si Dominic na kumakain ng cookies. Kumaway ito sa akin at ngumisi ng pagkalaki-laki.
"Hi cuz!", Bati nito habang ngumunguya.
Napailing ako. Nilibot ko ang aking tingin at hinanap ang bulto ng dalawa.
"Oh! Kanina pa nakaalis ang dalawa. May pupuntahan daw kasi sila kaya ako yung naiwan kay Hanzo dito sa sala."
Napalingon ako kay Dominic nang magsalita siya. Buti naman at nabasa niya ang isip ko. Tinignan ko ang aking anak na pinupulot ang kaniyang mga laruan sa sahig.
"Honey, have you already eaten?", Agaw pansin ko dito.
Ngumiti ito ng pagkalaki-laki at tumango.
"Yes Mommy! Uncle cooked for me."
Napangiti ako. Iniwan ko muna silang dalawa sa sala at nagtungo sa kusina. Lumapit ako sa refrigerator at binuksan ito. Nakita ko ang bowl na may laman na menudo kaya kinuha ko ito at nilagay sa microwave. Lumapit naman ako sa kabinet at kumuha ng dalawang korean noodles.
Habang abala ako sa pagluluto ay biglang nag-vibrate ang aking cellphone na nasa loob ng aking pants. Binaba ko muna ang baso at nilabas ang aking cellphone at tinignan ang notification.
Isang mensahe galing sa kaniya.
From Unknown Number:
-Hi Wife. Good morning. Don't forget to eat your breakfast, and to our son always give him a glass of milk everyday. Always give him a vitamins.Napabuntong hininga ako matapos mabasa ang kaniyang mensahe. Tinabi ko muna ang aking cellphone at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Habang naghahanda ako ng aking breakfast ay naramdaman kong may pumasok dito sa kitchen kaya sandali ko muna nilingon ang taong ito and it was Dominic.
"Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka pala dito?", Tanong ko habang nilalagay ang lutong noodles sa bowl.
"Galing ako sa market may binili kasi ako atsaka pauwi na sana ako nang misipan kong huminto muna dito sa inyo. Saktong pagdating ko dito ay aalis na rin ang dalawa.", Sagot niya habang nagsasalin ng tubig sa baso.