CHAPTER 22

390 9 0
                                    

CHAPTER 22.

Third Person's POV.

Nang narating nina Martin ang location kung nasaan dinala ang kaniyang mag-ina ay agad silang nagtago sa sulok. Hindi kalayuan ang hinintoan nila at mula dito ay kitang-kita ang abandonadong building. Wala silang nakitang katao-tao sa labas ng building at paniguradong nasa loob sina Robert.

Nagtago sila sa likod ng puno at naghihiwa-hiwalay.

"D*mn it! I will k*ll that b*stard if he touch my nephew and cousin!", Nanggagalaiting bulong ni Dominic habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa pistol.

"Easy Mr. Morgan, maliligtas rin natin sila.", Sambit ni Taylor habang kinakasa ang kaniyang baril.

"Where's Martin?"

Nagpalinga-linga sila sa kanilang likod at tabi pero wala silang nahagilap na Martin. Napapikit ng mariin si Taylor nang mapagtantong mabilis itong nawala at humiwalay sa kanila.

"D*mn that man!"

**************

Mabilis na nagtago si Martin sa likod ng puno na malapit na sa building. Sumilip siya mula at pinagmasdan ang paligid. At dito na siya napamura nang mapagtantong sobrang daming mga armadong lalake ang nasa loob ng abandonadong building.

"F*ck it!", Madiin niyang mura.

Mahina niyang kinasa ang kaniyang pistol at dahan-dahan na gumapang patungo sa kabilang puno. Nang nakarating siya sa kabilang puno ay napasandal siya dito at sumilip muli at sinuri ang abandonadong building.

Alam niyang nasa itaas ang kaniyang mag-ina. At kapag sinaktan ito ni Robert hinding-hindi niya mapapatawad ang taong ito.

"Martin."

Narinig niya ang boses na tumatawag sa kaniya kaya nilingon niya ito. Nakita niya sina Taylor na nakadapa at masamang nakatingin sa kaniya pero wala lang ito sa kaniya.

"F*ck you! Gusto mo talaga na sumugod mag-isa?! Do you want to d*e first d*mbass?!", Galit nitong bulong.

"Shut up! I want to save my wife and son as soon as possible!", Sagot niya rin sa mahinang tono.

"How will you save them if you d*e first huh?!", Tanong naman ulit ni Taylor.

"Stop it will yah! Baka mahuli pa tayo nang dahil sa inyong dalawa!", Saway ni Dominic.

Natahimik sila nang marinig ang sigaw na nagmula sa 4th floor ng building na ito.

"Nooo!!! Please!!! Robert!!! Help me!!!"

Napakuyom ang kamao ni Martin at walang pag-aalinlangan na lumabas mula sa kaniyang pinagtatagoan at tumakbo. Napapikit ng mariin si Taylor dahil sa ginawa ni Martin. Wala silang magawa kundi ang sumunod nalamang kay Martin.

*Bang* *bang* *bang*

Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Mabilis naman naalerto ang mga armado at ang mga kasamahan nina Taylor. Sumugod na rin sila at pinaputukan ang mga armado na nasa loob ng building nakikipagbarilan din.


Sa kabilang banda naman ay pinipilit ni Scarlet na magpumiglas mula kay Robert na nakapatong sa kaniya.

"Huwag!! Maawa ka!!", Sigaw at pagmamakaawa ni Scarlet.

Pinipilit niyang makawala mula kay Robert pero mas malakas pa ito sa kaniya. Pinipilit siya nitong halikan sa labi pero nalapat iyon sa kaniyang leeg. Marahas ang paghalik ni Robert sa kaniyang leeg at ramdam na ramdam niya ang pandidiri dito.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now