Jael's POV
"NAKAKALOKA ka, Jael, talk of the town ka na naman for today's video." Muntikan na akong masamid sa biglang pagsulpot ni Czarry mula sa kung saan, as usual she's gleaming with her hot pink lipstick and infamous curls. Walang paalam na nilagay ang dalang tray at umupo kaharap ko.
"Mas nakakaloka ka, hindi ba pwedeng magpasintabi ka bago ka sumulpot?" kinailangan kong lakasan ang boses dahil sa ingay sa cafeteria ng ospital. Most of the time I enjoy eating lunch by myself but sometimes Czarry shows up to lighten things.
"Hindi uso 'yon sa friends, 'di ba friends tayo?" sabi niya sabay tawa.
Minsan nakalilimutan kong galing siyang OB-GYN Department. May stereotype din sa'ming mga doktor, kapag kasi sunshine ang personality mo katulad ni Czarry ay ina-assume ng mga tao na pediatrician ka.
"Mabuti na lang at hindi ka napahamak sa pasyenteng nakakawala sa Psych Ward!"
Gusto ko sanang ikwento sa kanya 'yung nagligtas sa'kin kaso katakot-takot na asar lang ang makukuha ko. Lalo na't pari pa 'yung nagligtas sa'kin, an unusual good looking priest kamo. Saan ko nga ba siya nakita noon?
"Pasalamat sila at wala ako sa mood magtaray kahapon," sagot ko.
"Nabalitaan ko rin may tinanggihan ka na namang magulang! Bakit ba trip ka palaging kuning ninang ng mga magulang ng nagiging pasyente mo, samantalang ako ang nagpapaanak bakit hindi ako kinukuhang ninang?"
Kunwa'y huminto ako saglit sa pagkain at nilagay ko ang dalawang palad sa pisngi ko. "Maybe because I'm pretty?"
"Wow, lakas," pang-asar niya. "Looks can be deceiving talaga." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako ng gaga.
"Huwag na tayong magpaka-plastic, life is short," sabi ko nang muling sumeryoso. "At bakit naman bawal tumanggi? Wala nga sa plano ko maging magulang, maging pangalawang magulang pa kaya?"
"Well, alam mo naman ang kultura natin, frenny. Anyway, baka kaya ka nila trip kunin kasi hindi naman maikakaila na magaling ka."
"Mismo."
"'Yan ang gusto ko sa'yo, eh, mayabang pero totoo namang may ibubuga."
"'Yan din ang gusto ko sa'yo, prangka pero maloka." Automatic kaming nag-high five.
Mayamaya'y biglang bumagsak ang balikat ni Czarry, nawala ang ngiti sa bibig nito.
"What's wrong?" tanong ko. Naalala ko bigla na malapit na silang pumunta sa ibang bansa. "Oh, don't tell me you'll miss this toxic place?"
"Bakit naman hindi?" sagot niya matapos matulala. "Kahit toxic, mami-miss ko rin 'yung mga tao rito, pati na 'yung mga pasyente."
"Eventually makaka-adjust rin kayo ni James sa London, and just focus on the good things ahead of your life. Sure ako na maganda ang magiging future niyo ro'n. So, cheer up," sagot ko habang hinihiwa 'yung pork chop.
BINABASA MO ANG
A Numinous Affair (Salvation Series #1)
General FictionIsang pari at doktor ang makikipaglaban sa pwersa ng kadiliman kundi pati na rin sa kanilang lumalagong atraksyon sa isa't isa. Will they be able to resist the temptation and complete their mission or will love be their ultimate downfall? A Numinous...