/10/ Adamant Heart

585 47 14
                                    

Jael's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jael's POV

AFTER the long hours of surgery, I sat in the corner of the operating room. My body was exhausted, but my heart was even more tired. Sinulyapan ko ang krus sa pader subalit hindi ko na makontrol ang pagtapik ng daliri ko. I secretly posed that tiny cross to control my tapping impulsions during surgery, but this time it didn't work.

I looked around—surgical tools, traces of blood on the table, and the monitor that had finally gone still. No sound. No more movement. No more hope. I sighed deeply when I heard one nurse commended me that we did what we could.

"Dok, kamusta po ang anak namin?" tanong ng mag-asawa nang lumabas ako ng OR, mahigpit ang hawak sa isa't isa. Ang babae'y may hawak na rosaryo sa isang kamay.

Pinili nilang magpatuloy sa operasyon ng anak nila kahit sinabi ko ng walang kasiguraduhan. Marahil dahil sa kanilang pananampalataya, pinili nilang humawak sa pag-asa.

Tumingin ako sa kanila at pinilit na hinanap ang mga tamang salita kahit na alam ko na ang gasgas na linya.

"Ginawa namin ang lahat," sabi ko at bahagyang umiling. Nang makuha ang gusto kong iparating ay dahan-dahang bumagsak ang kanilang balikat, saka nagyakapan at humagulgol.

Wala akong ibang nagawa kundi tingnan lang ang mag-asawa, walang emosyon akong nakatanghod sa kanila. Noon ay lagi kong kinukwestiyon ang sarili ko kung saan ako nagkamali sa tuwing namamatayan ako ng pasyente. Palagi akong nagkukulong sa CR o nagtatago sa fire exit para lang ilabas ang pighati ko pero unti-unti akong pinatibay ng panahon at karanasan.

"I'm sorry," halos pabulong kong sabi bago ko sila iwanan.

Sometimes, no matter how skilled you are as a doctor, there are just lives that can't be saved. I know that.

As I stared at the death certificate to sign it, I realized that this is the part of the job I will never get used to. It should be quick, a simple signature, but why did the pen feel so heavy in my hand?

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na 'tong nagawa pero sa bawat sulat ko ng pangalan at pirma sa papel na 'to ay may kung anong nawawala sa kalooban ko.

Hindi ako iiyak. Hindi na ngayon.

Naging kalmado ang lahat pagkatapos ng tagpong 'yon na para bang nakisama sa mabigat kong puso. Chaotic at unpredictable ang mga kaganapan sa ospital kaya hindi pwedeng makampante. Minsan kung kailan pauwi ka na saka biglang magkaka-toxic.

Dinala ako ng mga paa ko sa private ward sa annex building ng ospital na bago pa lang at kasalukuyang ginagawa kaya wala ring katao-tao. Madilim

Natigilan ako nang makita kong may lalaking nakasilip sa loob ng silid. Humarap siya sa'kin nang maramdaman ang presensiya ko.

"Good evening, Doktora," seryosong bati niya at sumulyap ako sa orasan ko.

"Tapos na ang visiting hours, ah."

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon