/16/ The Deal

616 42 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"OH, uminom ka muna ng tsokolate." Tinanggap ng dalawang kamay niya ang basong umuusok pa, kasabay na nalanghap ang mabangong aroma nito. Ngumiti ang babaeng nakasalamin at umupo kaharap niya. "Kamusta ka, Maviel?"

Pilit niyang inalala ang pangalan ng babaeng doktora na nakasama noon ng kanyang Ate Jael at ni Father Kai. Sumulyap si Maviel sa white coat na suot ng babae.

Denzelle O. Santos RN, MD

"You can call me Dra. Denden," nakangiting sabi ng babae nang mapansin kung saan siya nakatingin. "Hindi ko alam kung naalala mo pero kasama ako noong..." Sunod-sunod siyang tumango at pagkaraa'y bumuntong-hininga ang doktora.

"Bakit n'yo po ako dinala rito?" direktang tanong niya at sa pagkakataong 'yon ay si Dra. Denden naman ang hindi kaagad nakasagot. "Dahil po ba sa ginawa ko?"

Saglit na tumingin sa kawalan si Dra. Denden bago muling bumaling sa kanya.

"Naniniwala ako na... hindi mo naman gagawin 'yon nang walang dahilan," malumanay nitong sabi.

Namilog ang mga mata ni Maviel nang marinig 'yon. Kaagad din siyang yumuko at naramdaman niya ang marahang pagtapik ni Dra. Denden sa kanyang braso.

"It's okay, Maviel, hindi kita pipilitin magsalita," dinig niyang sabi nito.

"Ano naman po ang pakialam n'yo sa akin?"

"I'm just worried about you."

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong siya ng mga nag-aalalang mata ng dalagang doktora.

"Bakit po?" tanong niyang muli at hindi na napigilan ni Dra. Denden ang matawa. "Bakit po kayo natatawa?"

Bahagyang ginulo-gulo nito ang buhok niya, marahil ay natuwa sa walang katapusang tanong niya. Mas lalo siyang nagtaka dahil kinalikhan ni Maviel na naiirita ang mga tao sa paligid niya dahil sa pagiging matanong.

'Senyales daw na matalino ang bata kapag matanong,' ang sabi pa nga noon ng mga matatanda pero balewala lang 'yon sa nakagisnan niyang magulang.

"Pasensiya ka na, Maviel, kung wala ako sa lugar para mag-alala sa'yo—pero ang totoo, simula noong nasaksihan ko ang nangyari sa'yo sa simbahan nang dalhin ka namin doon... Hindi ako nagsisisi na ipatapon ako rito dahil..." saglit na natigilan ang doktora para pahirin ang nangingilid na luha. "Dahil ang kaganapang 'yon ang patunay na talagang totoo ang pananampalataya ko."

Nang mga sandaling 'yon ay napaisip si Maviel. Inalala niya ang tingin ng kanyang teacher at mga classmates matapos niyang saktan si Jester, ang mga bulungan nila, ang mga palaisipan sa kanilang itsura, ang walang katapusang tanong kung bakit niya ba ginawa 'yon. Pumasok din sa kanyang isipan ang Ate Jael niya, ang naka-arko nitong kilay, at tonong dismayado sa kanya.

Pinili niyang hindi magsalita dahil alam niya na wala ring saysay kung wala namang maniniwala sa kanya.

At si Father Kai? Ayaw niyang madamay pa ito sa misteryo na bumabalot sa kanya kaya mas mainam kung mananahimik na lang siya.

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon