/12/ Relief

600 46 16
                                    

Jael's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jael's POV

"SABI sa inyo, eh, may araw din si Fariñas, balita ko ipapatapon daw sa malayong ospital." Iyon ang narinig ko nang makalapit ako sa nurse's station kung saan may dalawang doktor ang nagti-tsismisan, ang isa ay may sinusulat sa chart.

"Baka gusto n'yo pang ilakas?" nanlaki ang mga mata nila nang makita ako. "Nakakahiya naman, hindi pa narinig ng buong floor."

Akala yata ng mga 'to ay hindi ko sila uurungan. Pero parang nakahinga sila nang maluwag nang may nakita sa likuran ko.

"Good morning po, doc," bati nila at pasimpleng lumayas.

Paglingon ko'y nakita ko ang asawa ng CMO ng ospital, si Dra. Tordesillas.

"Dra.Fariñas, can we talk?" tumango lang ako at walang imik na sumunod sa kanya.

Pagpasok namin sa opisina niya ay kaagad kong napansin ang mga rebulto ng santo sa ibabaw ng cabinet niya. Saka ko lang din napansin ang mga painting na nakasabit sa pader, mga lumang simbahan. Inalok niya akong umupo.

"The hospital rumors are nasty, isn't it?" panimula niya habang nagsalin ng mainit na tsaa sa tasa at inabot sa'kin. "I'm sorry about your transfer. My husband was a bit extreme but he did that out of spite."

"Out of spite?" hindi ko tinago ang inis. "Wala naman po akong atraso sa asawa n'yo para gawin sa'kin 'to."

"Not because of you, but because of me."

"I'm sorry, doc, pero hindi ko po maintindihan," naguguluhan kong sabi.

Huminga siya nang malalim, inayos ang salamin, pagkatapos ay tumingin siya sa maliit na rebulto ng isang santo sa kanyang desk. "Unlike me, he wasn't a believer. Noong kinasal lang kami, iyon ang huli niyang pagpasok sa simbahan. He's not really fond of my devotion, he thinks I'm delusional."

Tiniis kong makinig dahil naramdaman kong may importante siyang sasabihin sa'kin. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita dahil kaagad kong napagtagpi-tagpi ang dahilan.

"At dahil sa nalaman niyang exorcism na ginawa sa isang pasyente, hindi niya 'yon nagustuhan kaya pinag-initan niya ako na ipatapon sa ibang ospital. Tama ba ako, doc?"

"You're smart," puri niya. "Pero mukhang nawala ang common sense mo noong gabing 'yon," sabay bawi niya. "Don't get me wrong, Dra. Fariñas, I admire your courage. Naiinintidihan ko na nagiging bobo ang isang tao sa mga pagkakataong nangingibabaw ang damdamin kahit doktor pa siya."

Hindi ko na alam kung anong patutunguhan ng usapan na 'to. Kulang na lang ay itaas ko ang dalawang kamay ko para sumuko. Ilang beses ng pinamukha sa'kin ng mga superior ko ang katangahan ko noong gabing 'yon, kaya huwag na niyang dagdagan pa.

"I get it, doc. I'm a disgrace to this hospital kaya dapat lang na sibakin ako rito, is that the point?"

"I'm not here to shame you further; I'm here to give you a chance."

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon