/13/ The Unwanted Sister

744 51 41
                                    


Maviel's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maviel's POV

NATAHIMIK silang lahat nang pumasok ako sa loob ng classroom. Hindi ko mapigilang mapayuko at bahagyang ayusin ang buhok na humarang sa mukha ko.

"Welcome to grade 10 section Faith, Maviel," bati ng babaeng guro sa'kin at hinawakan niya ako sa balikat para iharap sa buong klase. "Class, mula ngayon ay magkakaroon kayo ng bagong classmate."

Umugong ang bulungan sa kanila at hindi nakatakas sa pandinig ko ang ilan.

"It's in the middle of the school year na, ah, tumatanggap pa pala 'yung school natin ng transferee?"

"Class, quiet! Respeto naman!" biglang may estudyanteng nagsaway, sa tingin ko ay class officer siya.

"Thank you, Keira," sabi ng guro at naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. "Kindly introduce yourself, Maviel."

Nang tumingin ako sa kanila ay kulang na lang ay kumuliglig ang buong paligid. Napalunok ako ng ilang beses at hindi mapigilang manginig ng mga tuhod ko.

"H-hello, my name is M-Maverine Elisha Fariñas, but you can call me Maviel." Parang gusto kong matunaw sa kahihiyan dahil sa mga titig nila.

"Hi, Maviel!" walang ano-ano'y isang babae sa likuran ang tumayo at kumaway pa sa'kin. Hindi napigilang matawa ng ilan dahil mukhang maharot siya, kapansin-pansin din kasi ang bangs niyang hindi pantay.

"Welcome to Section Faith, Maviel," sunod na bumati si Keira, nakangiti sa'kin.

Hindi ko napigilang mangiti nang sunod-sunod silang bumati sa'kin at mukhang nagalak din ang guro sa tabi ko.

"Very well, Maviel, you can take your seat beside Rory," sabi nito at tinuro ang babaeng hindi pantay ang bangs, sa tabi niya'y may bakanteng upuan na malapit sa bintana.

Pag-upo ko ay binati pa rin ako ng mga kalapit kong seatmate. Si Rory naman ay nakipagkamay pa sa'kin.

This is it. Finally, a new life for me.

Pero kung kailan makakahinga na ako nang maluwag ay nasulyapan ko ang pintuan at nakitang may itim na pigurang nakasilip sa'kin. Lumawit ang ulo nito at umiling.

"Hello? Earth to Maviel?" napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Rory.

"H-ha?" muling nanginig ang mga tuhod ko pero pagtingin ko sa pintuan ay wala na roon ang nakasilip.

"Ang sabi ko gusto mo ba na i-tour ka namin sa campus later?" Hindi ko namalayan na tumango lang ako at nakipag-high five siya sa'kin.

Nang sumapit ang lunch break ay kaagad akong hinila ni Rory papuntang school cafeteria nang mapag-alaman niyang wala akong baon. Pagkatapos naming kumain ay sumama sa'min si Keira para ilibot ako sa buong school.

Magkasalungat ang itsura at ugali ni Rory at Keira. Si Rory ay maiksi ang buhok, boyish kumilos, at maingay. Habang si Keira naman ay hanggang bewang ang buhok, prim and proper, at malumanay magsalita. Pero kahit na ganoon ay mukhang magkasundo naman silang dalawa.

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon