Jael's POV
"SORRY to make you wait, Dra. Fariñas," sabi ni Sir Jacinto, ang head ng HR Department, nang bumukas ang pinto.
Tumigil ako sa pag-uulit sa isip ko ng mga sasabihin, pinirmi ko rin ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang mapakunot nang makita kong may mga sumunod na pumasok, isang matandang madre at... siya na naman?
Hezekiah was looking intently at me but I avoided his gaze.
"Sir—" akma kong ipaliliwanag ang mga nangyari pero tinaas niya ang kamay para pahintuin ako.
"This is Sister Lizelle and Father Kai from Ilaw Foundation," sabi ni Sir Jacinto at nanatili silang nakatayo. Nagtama ang paningin namin ni Hezekiah pero muli kong binaling ang tingin sa head ng HR.
"About the incident—"
"Don't worry about it, Doktora, hindi na ikaw ang physician-in-charge sa pasyenteng 'yon," walang pakundangan nitong sabi.
"What?" maang ko.
"Si Sister Lizelle ang director ng Angel of Light Orphanage under ng Ilaw Foundation," sabi ni Sir Jacinto sabay turo sa madreng katabi.
Ano naman ngayon? Gusto ko sanang sabihin.
"Magandang araw sa'yo, Doktora," bati sa'kin ng madre at inabot ang kamay. Tinanggap ko ang kamay niya at nag-aalinlangang ngumiti pabalik sa kanya.
Nagkatinginan kami ni Hezekiah at akma siyang ipapakilala ni Sir Jacinto nang magsalita siya.
"We already met," sabi niya sabay tingin ulit sa'kin. Hindi siya nakangiti kaya hindi ko rin siya nginitian. Kahit na gano'n ay ang aliwalas pa rin niyang tingnan, siguro dahil sa suot niyang puting polo.
"That's good, then, maiwan ko muna kayo," paalam ni Sir Jacinto at saka lumabas ng silid.
Umupo silang dalawa sa harapan ko. Ang buong akala ko'y pinatawag ako rito sa HR Department dahil sa insidente. Hindi ko na naitago ang pagkunot ko kaya hindi ko na natiis pang hindi magtanong.
"What can I do for you?" tanong ko kahit na naguguluhan.
"Pasensiya na, Doktora, alam kong biglaan ang meeting na ito," sabi ni Sister Lizelle at saglit na sumulyap sa katabi bago muling tumingin sa'kin, "narito kami upang ipaalam sa'yo ang tungkol kay Maviel."
Napakunot ako. Maviel? 'Yung pasyenteng inoperahan ko ang tinutukoy niya. Muli kong naalala ang stress na inabot ko at ng staff sa kakahanap sa batang 'yon.
"Ano ho 'yon?"
"Kapatid mo si Maviel," direktang sabi ng madre nang hindi kumukurap.
Ano raw? Tama ba ako nang narinig?
"Kapatid?" ulit ko sabay tingin sa katabi niya. "Is this a prank?" sinubukan kong tumawa nang sarkastiko pero nanatili silang seryoso.
"Mukha ba kaming nampa-prank, Doktora Fariñas?" banat ba naman ni Hezekiah kaya nawala ang ngiti ko.
"We're sorry to tell this, Doktora. Stowaway mula sa probinsya ang batang si Maviel, pumunta siya rito sa Maynila para hanapin daw ang kapatid niya at ikaw pala ang tinutukoy niya," paliwanag pa ni Sister Lizelle pero napailing ako. "Ayon kay Maviel, binilin daw ng Nanay niya bago sumakabilang buhay na hanapin ang panganay na anak ng Tatay niya."
"A-anong pangalan ng Tatay na sinasabi niya?" tanong ko kahit na ayokong malaman.
"Elias Fariñas."
Nang marinig ko ang pangalang 'yon ay may kung anong kumulo sa kalooban ko. Unti-unti naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko kaya napakuyom ang mga palad ko.
Matagal na panahon na noong huli kong marinig ang pangalan na 'yon at ngayon malalaman ko pang may anak sa labas ang hinayupak kong ama.
"Jael?" boses 'yon ni Hezekiah at napatingin ako sa kanya.
Pinilit kong ayusin ang paghinga bago ako nagsalita, "So? Anong gagawin ko?" humalukipkip ako at sumandal sa kinauupuan ko. "Do you want me to pay for the medical bill? Fine—"
"No," mariing saad ni Hezekiah kaya napakunot ako sa kanya. "We're here to tell you that Maviel has no more living relative left. At ikaw na lang ang maaaring kumupkop sa kanya."
Ilang segundo kaming nagsukatan ng titig bago ko binasag ang katahimikan.
"Nagpapatawa ka ba?" napansin kong nabigla si Sister Lizelle sa sagot ko kay Hezekiah. "Pasensiya na, Sister, pero parang hindi naman yata basta-basta 'yang gusto niyong mangyari."
Hello? Gano'n lang ba kadali 'yon? May susulpot na kapatid ko sa labas tapos kukupkupin ko ng gano'n lang? Do they really expect na o-oo lang ako? Hah!
"Gusto lang namin ipaalam sa'yo na hinahanap ka ng batang 'yon, pero hindi ka namin pinipilit, Doktora—"
"Hindi naman pala sapilitan, then I think we're done here," sabi ko sabay tayo. At isa pa, I don't think na nasa batas na pwede nila akong pwersahin na kupkupin ang hindi ko naman kaano-ano. "If you don't need anything else, then excuse me."
Hindi sila nakasagot kaya mabilis akong umaliis. Lumabas akong nagngingitngit ang kalooban.
Parang bumuhos sa isip ko ang sangkatutak na alaala mula sa nakalipas. Mga alaala na ayoko pang balikan na. Iniwan na nga kami ng magaling kong ama, tapos mag-iiwan pa siya ng anak sa labas? At ako raw ang kukupkop? Ano sila? Hilo?
"Jael!" Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko 'yung boses niya sa likuran ko. Halos umikot ang mga mata ko nang harapin ko siya.
"It's Doktora Fariñas," pagtatama ko sa kanya. Masyado yata siyang nagiging casual sa'kin. "Kung sa tingin mong mapipilit n'yo ko na kupkupin ang batang 'yon, pwes—"
"Don't you think it's weird?"
"Ha?" napamaang ako sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo?" Napatitig ako sa mukha ni Hezekiah, hindi nag-aalala pero nagtataka.
"She recovered unusually fast after the surgery when she went missing," seryosong sabi niya. Kumurap ako nang magpatanto kong masyado akong nakatitig sa kanya.
Napapikit ako saglit at napabuga ng hangin. Hindi ko nga alam kung dapat ko pa bang problemahin 'yon dahil sa rebelasyon na nalaman ko.
"Look, akala ko pinatawag ako kanina para magpaliwanag tungkol sa nangyari," sabi ko sabay halukipkip. Napatingin siya sa kamay kong panay tapik kaya mabilis ko ring binaba 'yon. "And I don't know, okay? Hindi ko na raw dapat problemahin 'yon sabi ng HR Head."
Tinalikuran ko na siya pero hinarangan niya ako. Kaunti na lang talaga ang pasensiya ko at huwag niya nang tangkain pang sagarin.
Sisinghalan ko na sana si Hezekiah pero imbis na magsalita ay may inabot siya sa'kin.
"Call me if anything happens," sabi niya at kusa namanng tinanggap ng kamay ko ang calling card. Pero tila nakuryente ako nang hawakan niya 'yung kamay ko. "Nanginginig ka. Gusto mo bang ipag-pray kita?" napalitan ng pag-aalala ang boses niya.
"No, thank you. I don't need your prayer." I snatched my hand from him and walked away.
Hindi ko napigilang tingnan ang kamay ko na hinawakan niya.
-xxx-
BINABASA MO ANG
A Numinous Affair (Salvation Series #1)
RomanceIsang pari at doktor ang makikipaglaban sa pwersa ng kadiliman kundi pati na rin sa kanilang lumalagong atraksyon sa isa't isa. Will they be able to resist the temptation and complete their mission or will love be their ultimate downfall? A Numinous...