Chapter 12 - Canteen

207 5 5
                                    

The canteen is located at the left wing of the university. Dito tumuloy sina Maxwell pagkatapos nilang maghiwa-hiwalay at magtakbuhan sa lobby. Tahimik at maingat ang lahat sa kanila. Halos walang nag-iingay sa team nila dahil natatakot sila na baka may bumulaga na lang sa kanila sa kanilang biglaang pagliko.

"Can you guys talk? Putragis na iyan, mamamatay na nga lang tayo, hindi pa natin lulubusin at kakausapin ang isa't isa. Ayokong mamatay nang may cold treatment, 'no?" Pambasag ni Marck sa katahimikan. Napasigaw at napatalon ang iba sa kanila dahil sa gulat. "See? Pati sa pagsasalita ko, natatakot na kayo."

"Eh nakakatakot naman talaga ang boses mo." Banat naman ni Heart dito. Napatawa naman ang lahat. "Tsaka, what if mamatay tayo, ha? What if marinig tayo ng mga iyan?"

Napakunot naman ang noo ni Marck. "As if mamatay naman kayo dahil sa pagsasalita ko, diba?"

Lumakad naman si Carl sa gitna nilang lahat habang nakataas ang dalawang kamay. "You know what, agree ako kay Marck dito. Don't be too fed up by the outbreak. We don't need to take all of these things seriously. Mas mabuti pang mamatay tayo nang masaya, kaysa mamatay tayo nang nabubuhay sa napakatahimik na lugar. Katulad kanina."

"How could we take these things seriously eh nagsama pa rin kayong dalawa ni Marck? Ang mga sakit ng ulo at joker sa classroom." Neri said. Napatigil naman sila sa paglalakad saglit at nagtawanan.

Pagkatapos nito ay nagkaroon na ulit ng katahimikan ang lahat. Si Princess naman ang bumasag sa katahimikan na ito. "Pero. . . Oo nga 'no. If the world was ending, bakit pa natin seseryosohin ang lahat? We should atleast have some fun. Yeah, we have some responsibilities like this. Pero dapat, hindi pa rin natin kalimutan na huminga laban sa lahat ng ito."

A zombie came running from behind them. Nagulat naman ang iba at nagsigawan dahil dito. Maxwell got it. Hinampas niya nang todo ang walis na may pako sa leeg nito pataas, hanggang sa tumagos na ito sa may bungo nito. Then when the infected is now on the floor, patuloy naman niyang pinaghahampas ang ulo nito hanggang sa hindi na niya ito makilala at mawalan na ng mukha ito.

Kung hindi pa siya pipigilan ni Vanessa ay hindi pa niya ito titigilan. "Jeez, you need to chill, Maxwell. Hindi na mabubuhay iyan, oh. Wala na iyang ulo. Hindi ko nga alam kung ulo pa ba ang tawag diyan eh. . . Ikalma mo na. Hindi mo kailangang gawing jam ang ulo niyan."

Napahinga naman nang maluwag si Maxwell at napailing. Halata mong kinakabahan pa rin siya sa maaaring kalabasan ng magiging misyon nila ngayon.

"Huwag mong masyadong isipin na ikaw ang inassign ni Tom na mag-lead sa part na ito, Maxwell. Masyado mong pinupwersa ang sarili mo eh! You can trust us. Hindi naman porket ikaw ang sinabihan ni Tom na maglead dito ay hindi na rin kami tutulong." Olivia said. Napatango naman ang iba rito.

"Everyone dies. Katulad nang sinabi niyo kay Tom, huwag mong ikargo ang buhay naming lahat dahil may isip din naman kami. Yes, it's a good thing that you are here to save us. But you also need to save yourself sometimes." Ani Queenie.

Pinagpatuloy na rin nila ang paglalakad papuntang canteen. Unti-unti na ring narami ang mga zombies na napunta sa kanilang direksyon. Imbis na tumigil at makipaglaban sa mga ito, nagpatuloy na lang sila sa pagtakbo upang mas mabilis na marating ang canteen at matakasan nila ang mga ito.

May isa pang zombie na sumugod sa kanilang harapan. Zeus used his armchair to smack the zombie's face. Napakalakas nito kaya naman napahiga agad sa sahig ang infected na iyon. Tatayo pa sana ito nang itagilid ni Zeus ang hawak niyang armchair at hinampas ang leeg nito. His head was then decapitated apart his body. Hindi naman ito nakagalaw pa at natuluyan na. Pingatatapakan na nilang lahat ang ulo at ang katawan nito habang papunta ng canteen.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon