Chapter 34 - Welcome To Hell

107 4 1
                                    

No one heard all of the screams. Kung ang lahat ng mga tao na nasa loob ng stock room ay nagsisigawan na dahil isa-isa silang pinapatay sa loob, ang mga tao naman na nasa labas ay nagsisigawan na dahil sa saya. The speaker is still playing on the full blast. Nagpa-party pa rin ang lahat at wala silang ka-tigil-tigil sa kanilang mga pagsasaya. They continue having fun, drinking, eating, and even dancing, even if some of their friends are now getting killed inside.

Walang nakakarinig sa kanila ng mga kalampagan mula sa loob, sa mga pagputok ng baril, at sa mga sigawan nina Hailey at Roman dahil sa lakas ng bluetooth speaker. Inaatake na ang mga ito sa loob, pinapatay, at kinakain na ng mga infectee, ngunit wala pa ring ka-alam-alam ang lahat sa kanila. Nagbago pa ang tugtog at napalitan ng mas pampa-hype. Mas lalo lang tuloy nagwala ang lahat dahil dito.

Ang kaninang inaantok na si Joshua ay muli na ulit na nagising. Sobrang ingay kasi ng kanyang mga kaklase, kaya naman naputol na rin ang kanyang mga pag-iidlip. All of his friends are still cheering while dancing. Kahit na groggy pa si Joshua at pa-pikit-pikit pa ang kanyang mga mata, ay sumabay na rin siya sa kanilang mga pagsasaya. Tumayo pa ito sa mesa sa kanilang harapan at nagsimulang sumayaw.

Joshua's friends started to cheer on him. Nasa kanya na ang atensiyon ng lahat at naka-pabilog sila sa mesa na kanyang kinalalagyan. Dahil sa katuwaan ay hinubad ni Joshua ang kanyang damit. Mas lalo lang tuloy nagsigawan ang lahat dahil dito. Some of the boys even throw some foods on him, as if Joshua is a dancer on a bar. Nagsimulang magsayaw si Joshua sa kanilang gitna dahil sa kalasingan. Hindi na niya alam ang kanyang ginagawa, ngunit dahil nasa kanya nakatuon ang atensiyon nilang lahat, ay naisip niya na mas lalo pa niyang dapat galingan.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang mga pagsasayaw nang biglang bumukas nang napakalakas ang pintuan ng mga employees. Tumama pa ito sa dingding, kaya naman nag-echo ito sa buong paligid. Agad namang napatigil ang lahat, pati na si Joshua na nagsasayaw sa kanilang gitna, sa kanilang mga ginagawa at napatingin dito.

Behind the door, Principal Raygon revealed himself. Duguan ang kanyang buong katawan ngunit nahinga pa naman siya at normal pa naman ang mga kinikilos niya. Wala siyang mga sugat o mga kagat sa kanyang katawan. Nasigurado naman nila na hindi ito infected bago pa man ito makalapit sa kanila. Papalapit na ito papunta sa kanilang posisyon habang nakaturo sa speaker na nasa may gitna nilang lahat.

"Turn that speaker off!" He shouted. Dahil sa lakas ng musika at sa kalasingan ng karamihan ay hindi kaagad nila nakuha ang mga sinasabi nito.

"What?" Sidney asked. Patuloy pa ring lumalapit sa kanila si Sir Raygon.

"I SAID, TURN THAT FUCKING SPEAKER OFF!" Nakalapit na nang tuluyan si Sir Raygon sa kanilang speaker. Hinawakan niya ito sa may hawakan, atsaka ibinalibag nang napakalakas sa sahig.

The speaker shattered onto many pieces, ngunit casing pa lamang ito at hindi pa rin nasisira ang pinaka-speaker nito. Patuloy pa rin ito sa pagtunog. Paulit-ulit itong inihampas ni Sir Raygon sa sahig hanggang sa maging pira-piraso ito. Tinapakan pa niya ito at tinalunan upang masigurado niya na hindi na talaga nila ito mabubuo.

Napatigil naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Hindi na nila napigilan pa si Sir Raygon dahil huli na nang ma-realize nila na gagawin pala niya ito. Basag na ang speaker nang ma-realize nila na sinusubukan palang sirain ni Sir Raygon ang pampatugtog na ginagamit nila kanina. Nakatingin na lamang sila rito habang ginagawa niya ang lahat upang masira ito.

"What the fuck is your problem! Hindi mo ba nakikitang nagkakasiyahan kami?" Ethan asked. Nilapitan niya si Sir Raygon at binangga ang balikat nito. Unti-unti nang nagkaka-tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

"No, guys! It must be — WHAT THE FUCK IS WRONG WITH ALL OF YOU!" Tinulak niya papalayo si Ethan nang napapalapit na ito nang sobra sa kanya. Napaupo naman ito sa sahig dahil sa kalasingan. "There are zombies everywhere. We are still not safe! Nasa convenience store pa lang tayo, and you guys are here, playing some damn music as if you are in a concert? Mga tanga ba kayo? Nagpapakamatay ba talaga kayo?"

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon