Chapter 27 - Two Into One

158 6 0
                                    

Ang lahat ay pinanghihinaan na ng loob dahil sa kanilang mga nakita at naranasan. Lahat sila ay na-encounter na nang harapan sina Mang Dell at Mang Baste, kaya naman alam na nila kung gaano kalakas ang dalawang ito. Both of those gardeners are just zombies, ngunit tila mas malakas pa ito sa kanilang lahat. Idagdag mo pa ang katalinuhan ng mga ito, at ang kagalingan nila sa paghawak ng armas, kaya naman tila kahit na ano pa ang gawin nila ay wala na silang kawala.

Lumapit si Faith kay Sir Raygon. Tatakbo pa sana ito papaalis ngunit hinawakan na ni Faith ang damit nito, atsaka siya hinila papunta sa kanyang direksiyon. Bumagsak nang malakas sa sahig si Sir Raygon dahil dito. Pagkatapos nito ay iniangat siya ni Faith papaitaas gamit ang paghila sa kuwelyo ng kanyang damit. Tinutukan siya ng baril sa ulo nito pagkatapos.

Takot na takot na ngayon si Sir Raygon. Nanginginig na siya sa pagkakaba dahil alam niya na napupuno na si Faith sa kanya. Alam ni Sir Raygon na kailangan siya ng kanyang mga estudyante upang makalabas ang mga ito ng gate, ngunit baka sa galit nila ay mapatay lang siya ng mga ito. He knows that it's not impossible. Bigla na lamang siyang nagsisisi sa lahat ng kanyang mga nagawa.

"BAKIT BA PALAGI MO NA LANG KAMING IPINAPAIN AT IPINAPAPATAY? WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU!" Sigaw ni Faith sa kanya.

Sir Raygon is shaking vigorously. Hindi niya maibuka ang kanyang bibig dahil sa takot at sa kaba. He tried to speak. Wala talagang boses ang nalabas sa bibig niya.

Itinutok ni Faith ang baril sa kanyang sentido. Narinig na lamang niya na kinasa niya ito. Mas lalo lang natakot si Sir Raygon. "Answer me, or I'll going to blow your head off."

"F- F. . . Fine! I- I. . . I just did that to make all of us here to stay alive!" Sinubukang pumalag ni Sir Raygon ngunit hindi niya magawa. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Faith sa kanya. "Ca- Can't you see it? Malapit nang makapasok rito yung dalawang infected na iyon! And if I just let that door opened for just a nick of time, mamatay lang tayong lahat dito!"

Faith held her gun up. Napalunok na si Sir Raygon. Alam niya na malapit na siya sa kanyang katapusan. "We're twenty-one here. . . Twenty-two sana kung buhay pa si Nikka! Those are just two dumb zombies with garden tools! Sa tingin mo ba, hindi natin sila kaya?"

"Nakalimutan mo na ba ang mga nangyare sa atin ngayon lang? Well, if yes, then, let me remind you. WE WERE OUT THERE! THOSE ZOMBIES WERE KILLING ALL OF US! Hindi mo na ba iyon naaalala? Nawala na ba sa isipan mo yung mga paghihirap na napagdaanan natin sa labas? Jeez Faith, wala na tayong kawala sa kanila kanina!"

"That is because we were just nine out there! Atsaka, territory nila iyon! But now, if makakapasok man silang dalawa dito sa library, nandito tayong lahat. Mas marami tayo. Mas kaya natin silang patayin! May mga armas ding hawak sina Flerida, oh! And, if by any chance that they got here, we will gonna execute them. Two versus twenty-two. Can't you see it? Are you that dumb?" Nagtatalo na ngayon silang dalawa.

"Well, no one knows if these fucks know how to fight. Eh library lang naman ang pinag-stay-an ng mga iyan buong outbreak, eh! They are dumb. They are also afraid going out there! Kita niyo, isa lang ang lumabas sa atin noong kinakailangan natin ng tulong!"

"For your information, Sir Raygon. We also survived this school outbreak, like what you guys did. We will not gonna survive four days here in this environment if we don't know how to fight! Yes, hindi namin kayo kagaya na nalibot niyo na ang mga places dito. But, we can assure you that we can do anything just to stay alive. Pati ba naman iyon, iisipin mo pa?" Ani Richalaine.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon