Chapter 19 - Do You Copy?

627 33 16
                                    

Paulit-ulit na nagflashback kay Aidan ang mga huling salitang narinig niya. . . He knows that those words are an expression on a radio communication. Napatigil naman siya nang marealize niya na may nalilikdangan silang lahat dito sa loob ng theater arts room na ito.

"WAIT!" Aidan shouted. Humarap na rin siya nang dahan-dahan sa kanyang mga kaklase. Nakataas pa ang kanyang mga kamay upang hindi nila ipagpatuloy ang pagbaril. Napatigil naman ang kanyang mga kaklase niya ngunit hindi pa rin ibinababa ang mga baril na nakatutok sa kanila. "We're missing out something on here. . . And I think, we could figure this out."

"Oh fuck off, Aidan the Explorer! Papatayin na nga kayo, diba? Wala na kayong magagawa pa. . . A traitor is always a traitor. Kaya huwag ka nang umasa pa na papagkatiwalaan pa kita." Sir Raygon commented. He laughed sarcastically. Hindi na lang siya pinansin ni Aidan.

"What do you mean by we are missing on something here?" Jaydee asked. "Are we at risk? Nasa panganib pa rin ba tayo?"

"Nope! Kaya please. . . Ibaba niyo muna ang mga baril na hawak niyo. Mas nagpa-panic ako dahil sa inyo eh!" Umalis na si Aidan sa harapan ng teacher's desk at nagsimula nang maghalungkat ng mga gamit. "Naiisip ko na maaaring may iba pang mga survivors sa ibang lugar dito sa loob ng campus ngayon. At sila ang natawag sa amin ni Tom."

"I- Stop with your shit, freak. You all should be killed." Hinawakan ni Sir Raygon ang damit ni Aidan gamit ang likod ng kuwelyo nito. Binalibag naman niya ito sa may sahig pagkatapos. "Stop messing with us! Kailangan niyo nang mamatay."

"We could save others lives, Sir Raygon! I am not joking here. And I know what I am doing." Tumayo na ulit si Aidan.

Hindi naman siya hinayaan ni Sir Raygon at lumapit ulit ito sa kanya. Sa pagkakataong ito ay itinulak na ng mga magkakaklase si Sir Raygon dahil sa karahasan nito. "Let him finish first. Itigil mo rin muna iyang bunganga mo." Nanggigigil na sabi si Paula. Hindi na nila alam pa kung sino ang papaniwalaan nila. Napataas na lamang ng mga kamay si Sir Raygon.

"So, anong pakulo nanaman ang mga ito, Aidan? Anong hinahanap mo?" Nikka asked. Ibinaba na niya ang baril na hawak niya. Hindi namalayan ng iba na ginaya na rin pala nila ito. Wala na nhayong nakatutok na mga baril sa mga magkakaibigan. Nakahinga na nang maluwag sina Maxwell.

Napaisip si Aidan. "Some sort of a radio communicating device. Microphone, walkie-talkie, portable telephone, radios. . . Anything! Basta't nakakapag-produce siya ng mga sound na narinig natin kanina."

"It's not making any sense, everyone!" Sigaw ni Sir Raygon sa kanila. "Tumatakas lang iyang mga bata na iyan sa mga bagay na dapat nating gawin sa kanila! They are making their ways to stop us from killing them. . . Huwag niyo sila hahayaang maagtagumpay!"

"You are the first traitor here." Hindi na nakikipagbiruan pa si Chienna. "Baka nakakalimutan mong tatlo sa mga kaklase namin ang pinatay mo? And those are not just an accidental kills. . . Sinadya mong patayin sila dahil gusto mong ikaw lang ang mabuhay rito."

"They made me do it! Tom and Aidan and their circle of friends made me do it!" Pagkontra ni Sir Raygon.

"Then, stop whining! Hindi naman namin minamadali ang lahat. We could execute them if proven nga na nagwo-work sila alongside the pharmaceutical. . . Kaya tumahimik ka na lang kung ayaw mong sumamang mamatay sa kanilang lima." Margaux said. Napailing na lamang si Principal Raygon.

Faith grinned. Even if they are still on the hot seat, hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. "Stop with your shit, Sir Raygon. Napupuno na rin kami sa'yo." She smiled after saying that. Napangisi na lamang si Sir Raygon.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon