Chapter 2 - Pharmaceutical

2.2K 88 32
                                    

"And, he's here. . . Sabi ko sa inyo eh. As usual, late nanaman ang freak." Faith said, pertaining to Tom. Nagsitawanan naman ang magkakaibigan dahil sa sinabi niya.

Kakapasok lang ni Tom sa classroom at hinahanap sila. Itinaas ni Maxwell ang kanyang kamay para makita sila ni Tom, na effective naman dahil nakita sila nito at pumunta sa direksiyon nila. Ibinaba na nito ang bag niya sa tabi nila at umupo.

"Monday na monday, late ka nanaman! First month pa lang ng taon and still, hindi ka pa rin nagbabago. Late ka pa rin lagi." Pang-aasar ni Lexie sa kanya.

"Bakit ba ako papasok nang maaga kung umaabot naman ako sa first subject?" Tom's circle of friends laughed when he said that. "As if may pagbabago naman na nangyayare sa 30 minutes na wala ako."

"Basta't siguraduhin mo lang na hindi mauuna si Ma'am Science sa'yo. You know how she acts if she gets mad. Buhay ata niya ang nakataya kapag hindi ka nakaabot sa attendance." Aidan said. Nagsitawanan nanaman sila.

Maxwell looked at his wristwatch. "Pero strange, ah? Si Ma'am Science naman ngayon ang na-late. Nag-iba na talaga ang ihip ng hangin." They smiled.

There is a silence between them. Naisip bigla ni Tom ang news show na napanood niya kahapon sa TV. Naalala din niya ang mga nangyare sa tapat ng pharmaceutical kanina, at nagtataka din siya dahil wala man lang kahit anong balita ang nalabas sa social media at kahit sa telebisyon tungkol dito.

He's not sure if this is the right time to ask them, pero wala na siyang nagawa pa dahil curious na curious siya sa mga nangyayare sa paligid niya lalo na at walking distance lang ang pharmaceutical sa school nila. "Napanood niyo ba yung balita kahapon sa TV? Yung sa may pharmaceutical lang malapit rito. Yung si Angelo Santiago yung naglelead. May balita ba kayo about doon?"

"At bakit ka naman biglang nacurious about diyan?" Faith asked. "May kakaiba ka bang nakita kanina habang papunta ka rito?"

Tom is not sure if he will gonna tell it to them or not. Naisip niya na baka magpanic lang ang lahat kapag kinuwento niya ito nang detalyadong detalyado. "Marami kasing mga pulis sa scene noong nadaanan namin iyon kanina. The place is also bloody mess, para ngang may minassacre around the place dahil sa dami ng dugo. Nakita ko rin si Betty Alvarez kanina pero hindi na namin siya tinigilan. But she looks strange. Mukha siyang zombie o nasapian ng demonyo."

"Nakita mo si Betty Alvarez?" May gulat sa tono ng tanong ni Aidan. "Seryoso ka ba diyan? Nang harapan? Kanina?

Napatango naman si Tom. "Why? May nangyare ba? May kakaiba ba?"

"So, hindi mo pa napapanood ang live ni Angelo Santiago sa Facebook kaninang madaling araw, 'no?" Tanong ni Lexie sa kanya.

Agad namang napakunot ang noo ni Tom. "Live? Saan? Sino?"

"Jeianjoe Pharmaceutical. Kagabi. Nung reporter na iyon." Faith said.

"Ni late Angelo Santiago, to be exact. Because he is now dead." Singit pa ni Maxwell sa sinabi nito.

Mas lalo lang naguluhan si Tom. "A- Anong mga pinagsasabi niyo? Dead? Eh nakita ko lang sina Angelo tsaka yung Betty na iyon kahapon sa iisang frame sa TV, ah. Then now, you are saying that Angelo Santiago is dead, at may kinalaman doon si Betty Alvarez?"

Nagsimula nang maghalungkat si Aidan sa kanyang phone. Napatango naman si Lexie dahil sa mga sinabi ni Tom. "Yes. Angelo Santiago is dead. Oh, and he was killed- and even eaten alive- by that Betty Alvarez kasama na ng mga doctors na kasama niya sa Pharmaceutical."

Napatawa naman si Tom. "Niloloko niyo lang ang sarili niyo."

"Kaya ka lang nagkakaganyan dahil hindi mo pa napapanood ang live. Sure ako na kapag napanood mo iyon, babaliktad ang sikmura mo. Halos masuka nga ako nung napanood ko iyon eh!" Faith said.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon