Chapter 33 - Stock Room

120 3 0
                                    

Agad na tumakbo papunta sa isang pasilyo sa stock room si Roman upang maghanap ng banyo. Nagmamadali na siya ngayon dahil hindi na niya mapigilan pa ang kanyang mga nararamdaman. Puro mura na ang maririnig sa kanya, at halos isigaw na niya ang mga ito sa kanyang pagmamadali. Halos malibot na niya ang buong lugar ngunit hindi pa rin niya ito makita.

Sa pagliko niya sa isang gilid, nakakita siya ng isang pintuang nakasara. Kakaiba ito dahil ito lang ang kuwarto na nandito sa side na ito, ngunit naisip niya na baka ito na ang banyo na hinahanap niya. Roman looked up. May nakita siyang simbolo ng lalaki at babae na nakaupo sa itaas nito. Nakalagay din ang "BATHROOM" sign sa may pintuan nito, kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok rito.

Noong una ay nagda-dalawang isip pa siya kung papasok ba siya sa loob nito o hindi. Inalisa muna niya nang maigi ang paligid ng banyo, at napansin niya na tama nga si Myles. . . Na marami ngang mga kalat sa paligid. Napa-iling na lamang siya nang makita ito, atsaka itinuloy na lamang ang pagpasok niya sa loob nito. Humarap na siya sa may pintuan ng banyo pagkatapos.

Dahil sa ginawa niyang ito ay tiyaka lamang niya napansin ang mga dugo sa sahig na tila may hinila papasok rito. Nagtataka na siya sa mga nangyayare ngayon. Roman looked on the doorknob, and saw that there are dried bloods on it. Napa-urong naman siya nang makita ito. Nang kumalma na siya ay naisip niya na baka nagde-delusyon lamang siya, at dahan-dahan na siyang lumapit sa may pintuan ng banyo atsaka binuksan ito.

Lumangitngit ang pintuan ng banyo sa kanyang pagbubukas. It gives him a creepy feeling, kaya naman tumaas na lamang bigla ang kanyang mga balahibo. Sinilip ni Roman ang loob ng banyo. Napansin niya na duguan ito, ngunit wala naman siyang nakitang mga tao o kahit mga infected sa loob nito. Naghintay pa siya ng mga ilang segundo rito upang makita niya kung may susugod ba o may sisilip sa kanya mula sa loob, ngunit wala namang gumawa sa kanya nito. Naka-hinga na siya nang maluwag dahil dito atsaka nag-tuloy-tuloy na sa pagpasok.

Dahil hindi na mapigilan pa ni Roman ang kanyang nararamdaman, ay agad na siyang tumakbo papunta sa toilet bowl at umupo rito. Ibababa na sana niya ang kanyang suot na pantalon ngunit nang tignan niya ang kanyang harapan, ay nagulat na lamang siya sa kanyang nakita.

Nakita niya na may nakatayong infected dito. Nagtatago lang pala ito sa may likod ng pintuan kaya naman hindi niya ito nakita kanina. Tila may isip ito dahil hindi ito sumilip noong chineck ni Roman ang banyo. Tila hinintay pa talaga nitong makapasok siya, upang wala na siyang kawala pa mula sa kanya.

Nakatayo ang babaeng infected sa kanyang harapan, ngunit naka-twist ang katawan nito sa kakaibang pamamaraan na tila siya ay sinasaniban. Her small intestines are hanging out of her body. Naka-pulupot ito sa kanyang leeg upang hindi ito sumayad sa may lupa, ngunit masyado pa rin itong mahaba dahil natatapakan pa rin niya ang dulo nito. Puro alikabok at dumi na ang dulo ng kanyang small intestines. Punit-punit na rin ito, may mga butas, at halata mong matagal nang nangyare ito sa kanya. She also have several bite marks on her shoulder, face, and forehead. Binabalutan din ng mga natuyong dugo ang kanyang katawan, na tila siya ay galing sa isang labanan. Naungol din ito nang mahina na tanging mga infected lang ang nakakagawa.

Ang kaninang nararamdaman ni Roman ay napalitan ng takot. Unti-unti nang lumalapit sa kanya ang babae. Nakatingin pa ito nang diretso sa kanyang mga mata, na tila tinatakot pa siya at mas lalo lamang dinadagdagan ang kanyang mga pagka-kaba.

The bathroom door have an automatic door closer. Unti-unti pa lamang itong nagsasara, ngunit hindi pa naman ito lumalapat sa may doorframe. He looked at it. May pag-asa pa siyang makatakbo rito kung mahahabol pa niya ang pagsara ng pintuang ito. He looked at the girl. She is now smirking at him. Tila alam na alam nito ang kanyang mga ginagawa.

Tumakbo si Roman at pumunta sa may direksiyon ng pintuan. Naging alerto din ang babaeng infected at tumakbo papunta sa kanyang posisyon. Naiharang ni Roman ang kanyang isang paa sa may pintuan, kaya naman tumigil na ito sa pagsasara. Hinawakan na rin niya ang door frame nito at kumaripas na siya kaagad nang takbo papalabas.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon