"So bro ano balak mo ngayon?"
Sabi ni John habang ito ako nag pra-practice mag guitara. haharanahin ko si Helle para mapatawad na niya ako.
"Haharanahin ko siya."
Napataas naman ng kilay si John kinakunut nuo ko.
"Harana agad agad? Dapat ihuli mo ang pag haharana."
Ako naman ang nag taas ng kilay.
"At bakit naman?"
Tanong ko naman sakanya.
"Bago mo siya haranahin gumawa ka muna ng ibang bagay, pag nagawa mo na yun medyo kakalma na galit nun sayo."
Napahinto naman ako sa pag guguitara ko.
"Eh ano gagawin ko muna?"
May halong inis na sabi ko sakanya.
"Hmm, kung bisitahin mo ang mama niya. Tas lumuhod ka sa harap ng mama niya at mag sorry ka."
Napaisip naman ako, pwede. Lalo na't ang mama talaga dapat nila Helle ang makikilala ko nung araw na yun.
"Pero teka bakit ang mama niya?"
Inirapan naman ako ni John.
"Ang ina kasi mas matindi magalit lalo na pag ang anak niya ang nasasaktan."
Napatango tango naman ako.
"Pero mas maganda pumunta ka kanila Helle ng wala si Helle dun alam mo na iisipin nun na pakitang tao ka lang."
Napatango tango ulit ako tama si John, nilapag ko naman ang guitara.
"Oh san ka pupunta?"
Ngumiti naman ako sakanya.
"Pupuntahan ko na ang bahay nila Helle panigurado wala yun ngayon sa kanila, may trabaho kasi siya ngayon sa pandayan."
Sabi ko at tumayo na.
"Teka pupunta ka ng hindi pa nakakaahit o nakakaligo o nakakain?"
Tumango tango na lang ako.
"Mag sosorry lang naman ako eh hindi naman ako pupunta sa birthday, ge dyan ka lang pupuntahan ko pa ang mama ni Helle."
Sabi ko at lumabas na ng bahay, pag labas ko napatingin naman sakin ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Pause, Stop, Reset
Truyện NgắnKung pwede lang natin ipause ang masasayang araw kung pwede lang istop ang mga sakit kung pwede lang ireset ang mga pagkakamali. Gagawin ko para lang sayo.