K y ū s h i

243 12 0
                                    

Nakapamulsa akong pa punta kanila Helleric, birthday niya kasi at naimbitahan ako ng mama niya.


Samantalang dawalang linggo na kami hindi nagkikita dahil simula nung nakita kami ng boyfriend niya lagi ng nasa bahay nila ang mokong na yun.


Mukhang hinigpitan na niya ang sinturon niya sa girlfriend niya, kung hindi pa pala ma aagaw ang girlfriend niya hindi pa siya kikilos.


"Uy kuya Nathan."


Napatingin naman ako sa tumawag sakin at nakita si Key.


"Oh bakit?"


Lumapit naman siya sakin kasama niya rin si Jevs, Sany, at ng kuya niyang si Mhai.


"Pupunta ka rin ba sa birthday ni Helle?"


Bigla naman binatukan ni Mhai si Helle.


"Siraulo ka mas matanda sayo yun kaya tawagin mong ate."


Napakamot naman sa ulo niya si Key.


"Oo na, so pupunta ka nga kuya?"


Natawa naman ako ng mahina sa kakulitan ng mga batang 'to.


"Oo, kayo rin ba?"


Pag tatanong ko sakanila.


"Ay hindik halata."


Pang babara naman sakin ni Jevs, kinotongan ko naman siya nun.



"Ikaw ha, kanino ka natutong mang bara ha?"


"Kay ate Helle."


Hay nako yung babaeng yun talaga ang lakas ng amats sa utak.


"Hay nako lika na nga."


Sabi ko at hinatak na ang mga batang makukulit, pagkarating namin ay wala pang tao si Helle lang ang andun nanunuod ng TV.


"Oh ate helle asan ang mga bwisita mo?"


Napatingin naman samin si Helle.


"Ayan na oh."


Tumuro naman siya at ang apat na bata ay tinignan ang mga likod nila.


"Ha? Asan ate?"


Binato naman niya ng tsinelas si Key.


"Tanga kayo ang tinuturo ko, utak utak rin kung minsan ha?"


Pause, Stop, ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon