R e s e t

237 14 1
                                    

Nag ahit na ligo nag toothbrush at nag ayos pa talaga ako para lang sa Joshua na yun.


Baka kasi asarin ako ng mokong na yun pag nakita niya akong mukhang adick eh.


Humingi naman ako ng tulong kay Bianca para malaman ko ang bahay nila Joshua.


Pag labas ko naman ng bahay ko ay nakita ko si Bianca na nakangiti nag aabang sakin.


"Oh Bianca, anong balita ang dala mo ngayon?"


Nakangiting tanong ko sakanya.


"Tinanong ko kay Helle ang address ni Josh at binigay naman niya sakin, ikaw na bahala ah. Wag mong aasarin si Josh mag sorry ka lang. Okay?"


Napairap naman ako dahil parang nanay si Bianca.


"Opo nanay."


Sinamaan naman ako ng tingin ni Bianca.


"HIndi mo ko nanay, mas hamak na mas mukha kang lolo kesa sakin."


Inirapan ko naman siya.


"Oo na, asan na yung address?"


Binigay naman niya sakin ang isang papel.


"Wag kayong mag aaway ah?"


Tumango tango naman ako at kinuha ko naman ang papel, aalis na sana ako ng may maramdaman ako sa braso ko.


Pag tingin ko ang kamay ni Bianca ay nakahawak sa braso ko, pag tingin ko sakanya nakayuko lang siya.


"Sana, sana maging okay na kayo ng kapatid ko."


Ngumiti naman ako sakanya, at saka ginulo ang buhok niya.


"Sisiguraduhin ko yan."


Sabi ko at tuluyan na ngang umalis, malapit lang naman ang bahay ni Joshua kaya naman nag lakad na lang ako.


Nag ring naman bigla ang phone pag tingin ko tawag mula sa ibang bansa ang natanggap ko sinagot ko naman agad ito.


(Hello?)


(Hello Mr. Carl?)


Nanlaki naman ang mata ko sa narinig kong boses.


(Chief editor Nemoto.)


Gulat na sabi ko.


(An: Kunyari japanese sasabihin niya.)


Pause, Stop, ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon