S t o p

151 8 1
                                    

Ito ako ngayon nag bibihis na para makapaghanda sa pakikipag meet sa nanay ni Bianca.


Kaugali kaya yun ni Bianca? Wag naman sana, mabait kaya yun? Sana, napailing iling naman ako bigla.


Kinakabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit. Siguro na kokonsensya ako, kasi nga lolokohin ko lang naman si Bianca.


Aissh nagulo ko naman ang buhok ko dahil sa frustration ko, nag ring naman agad ang phone ko kaya naman sinagot ko ito ng hindi tinitignan ang caller id.


(Hello?)


(Good morning.)


Tut~tut~tut.


Napangiti na lang ako ng marinig ko ang boses ni Helle, okay solve na ang araw ko ngayon.


Nag ring naman ulit ang phone ko this time tinignan ko na kung sino ang tumatawag.


(Hello Bianca?)


(Asan ka na?)


(Nasa bahay pa, wala pa namang 9:00 ah.)


(Eh kinakabahan kasi ako feeling ko may mangyayaring hindi maganda.)


(Feeling mo lang yun, sige na bye bye na.)


(Teka Carl.)


(Ano na naman yun?)


Wala naman nag salita sa kabilang linya, ano na naman ba trip ng isang 'to?


(I love you.)


(Ge.)


Pagkasabi ko nun binaba ko na ang tawag, bigla naman ako napaisip nung kami dati ni Bianca hindi siya ganun.


Nag bago na nga kaya siya talaga? Kung nag bago na siya sayang kasi hindi ko na siya mahal.


Pagkatapos ko mag ayos ay pumunta na agad ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko.


Pagkatapos nun nag drive na agad ako, habang nag drive ay may natanggap akong text binasa ko naman ito nung na traffic ako.


Helle Panget


Uy kumain ka ng almusal ah baka mag kasakit ka, ge na.


Napangiti na lang ako, buti na lang nag ka ayos na kami ni Helle kundi hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pause, Stop, ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon