P a u s e

206 12 0
                                    

MInulat ko ang mga mata ko at napangiti, feeling ko magiging isang magandang araw ito.


Muntik naman na ako mahulog sa kama ng biglang nag ring ang cellphone ko, kinuha ko naman ang phone ko.


Napangiti ko naman ako ng makita ang caller, umagang umaga mukhang gaganda na agad ang araw ko ah.


(Oh Bakit ka napatawag?)


(Bakit may reklamo ka?")


(Wala akong reklamo pero ang aga aga pa tumawag ka na agad diba tanghali ka na kung gumising?)


(Eh kasi aalis ako ngayon pupunta ko sa birthday, kaso ayaw naman ako samahan ng magaling kong boyfriend. Ayaw naman ako payagan ni mama pag wala akong kasama.)


(Ah so second option ako?)


(Eh Kasi naman Nathan mamaya ka na mag drama, basta maligo ka na at mag bihis susundin kita dyan.)


Tut~tut~tut


Aba't binabaan pa ako ng isang yun ah, napa buntong hininga naman ako. Hay nako hayaan mo na nga.


Tumayo na ko at pumili ng damit, pagkatapos nun ay naghanda na ko para maligo.


Pagkabukas ko ng shower ay bigla na lang ako napangiti, yang boyfriend ni Helle lagi na lang siya pinabayaan.


Tignan mo pag na agaw ko si Helle, iyak yang lalake na yan. Ay iiyak nga ba? Mukhang hindi naman niya mahal si Helle eh.


Pagkatapos kong maligo ay nag tuyo ako ng katawan at nag bihis na, pag baba ko ay nakita ko si Helle na nag luluto.


"Anong ginagawa mo?"


Napatingin naman sakin si Helle at saka ngumiti.


"Nagluluto ng almusal, ng malaman ni mama na sayo ako magpapasama pinapapunta na niya ako agad. Saka sinabi niya na lutuan daw kita ng alamusal."


Tumango tango naman ako at saka umupo, tinignan ko naman ang suot niyang damit.


Napakunut nuo naman ako ng nakita kong naka short siya.


"Bat ka nakashort?"


Tumingin naman siya sakin at nilapag na sa lamesa ang mga niluto niya.


"Gusto ni mama eh, pero mag papalit naman ako. Kaya asan ang cr mo?"


Tinuro ko naman ang kwarto ko.


"May cr dun sa kwarto ko dun ka na."


Pause, Stop, ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon