T í n g z h ǐ

189 13 0
                                    

Pangiti ngiti pa ako na parang tanga habang pa punta sa computer shop nila Helle.


Umamin si Helle na gusto niya ako, yes. Ang saya ko talaga, kaso bigla ako napatigil sa pag lalakad.


Naalala ko bigla na may boyfriend nga pala si Helle, pano ang isang yun? Umiling iling na lang ako.


Hayaan na ang kurimaw na yun hindi naman ata niya mahal si Helle eh, sabi ko at dumiretso na talaga kanila Helle.


Pag punta ko wala Helle na naka tambay sa computer shop, tinanong ko naman ang bantay.


"Asan si Helle?"


"Nasa taas, dumating kasi bigla ang boyfriend niya."


Napakunut nuo naman ako, ano naman ginagawa ng kurimaw na yun dito?


"Andyan ba ang mama ni Helle?"


"Wala eh."


Lalo naman ako napakunut nuo baka mamaya may gawing masama ang lalakeng yun ah.


"Pwede umakyat?"


"Pwede naman po."


Ngumiti naman ako sakanya.


"Sige thank you."


Pagkasabi ko nun ay umakyat na ko pero bago pa ko tuluyan maka akyat may narinig akong boses.


"Helle mahal mo pa ba ko?"


"Bakit ikaw mahal mo ba ko? Diba hindi naman? Akala mo hindi ko alam na mas mahal mo ang ex mo kesa sakin."


"Helle anong pinagsasabi mo?"


"Joshua wag na tayo mag gag*han gag* na nga tayo mag gagag*han pa tayo? Aminin mo na kasi na bumalik ang ex girlfriend mo kaya naman naisipan mong mag girlfriend para mag selos siya."


"Helle hindi ko alam ang mga pinag sasabi mo."


"Hindi mo alam? Ah baka itong salitang 'to alam mo."


Nakarinig ako ng tahimikan pero sandali lang yun.


"Break na tayo Josh."


Pagkasabi nun ni Helle nagkaroon ulit ng katahimikan pero katulad ng kanina sandali lang din ang katahimakan na yun.


"Sige."


Pagkatapos nun lumabas na si kurimaw hindi pa nga ata ako nakita eh, aba't ang loko pumayag lang makipag break sakanya si Helle?

Pause, Stop, ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon