#5

74 2 2
                                    

#5 Be Your Everything

"Ano bang type ng damit mo dati? Wag nerdy ah. Kailangan cool ang itsura mo" Sabi ko kay Ace. Nandito nga kasi kami sa Trinoma namimili ng mga damit nya. Kanina pa kami dito kasi kumain muna kami sa Pancake House. Alam nyo yun? Favorite namin puntahan yun eh. Anyways.....eto na nga kami namimili ng damit nya. 

"Hindi ko na matandaan eh." XD

"Maggie, ano ba bagay kay Ace?" Tinanong ko sa kanya. Minsan sya din ang pinagtatanungan ko tungkol sa fashion-fashion na yan. Hindi kasi ako masyadong magaling sa pagpili ng damit XD

"Uhm....lahat naman ng kulay bagay sa kanya kasi maputi naman sya....simpleng t-shirt lang siguro tapos bilhan din natin ng kung anong accessories at pants." 

"Hmm, sige. Tara nandito yun." Kinuha ko si Ace sa wrist nya at hinila sya papuntang mga t-shirt. Pinili ko yung pinakamura pero maayos tignan na shirt dun. Tapos kumuha kami ng basket para sa konting shoes, at pants nya. Pinatry din namin sa kanya sa dressing room yung mga damit para sure na kasya sa kanya. Siguro naka 3 hours kami sa pagpili kaya pagod na pagod kami pagkatapos. "Bili tayo ng pagkain. Gutom na ko." Sabi ko sa kanila kahit kakakain lang namin bago mamili ng gamit. 

"Sige. KFC?" Sabay kaming tumango ni Ace pagkasabi ni Maggie. Nagorder na ko para samin at naupo na sa mesa. Kumain kami, nagpahinga at nagkwentuhan. Pagkatapos lumabas na kami ng KFC at nagikot ikot. 

"Mel! Si Jake ba yun? Yung ex mo?" Lumingon ako at nakita ko nga sya. Grr >__< Bakit ngayon pa?!?! Kung minamalas nga naman oh. "Bilis dito tayo" Tumalikod kami dun sa halimaw na nakita ko at nag-act na parang walang nakita. Pero naramdaman namin na nasa likod namin sya. >__<

"Melanie? Is that you? I can hardly recognize you!" Pa-english english pa eh hindi naman bagay -_-

"May istatue istatue ka pang nalalaman. Ano ba kailangan mo ha?!" Mataray na sabi ko sa kanya. Good luck na lang sakin. 

"Nothing. I just saw you walking in front of us tapos naisipan kong mag-'hi'."

"Oh! Hindi yun excuse. Umalis ka nga sa harapan ko!" 

Syempre hindi ko yun sinabi sa kanya. Hindi ko naman kayang ganun kataray noh. Mabait naman talaga ako at hindi talaga ako sanay magsungit. 

"Uhm ok. See you around" Napapa english na din ako -_- Hinawaan kasi ako ng bacteriang 'to eh -_-

Sa wakas umalis na din sya sa harapan ko. Umuwi na din kami agad nila Maggie at Ace. Syempre si Ace kasama ni Maggie sa bahay nila kaya mag-isa akong uuwi. 

"Sige bye. Ingat sa pag-uwi ah~!" Nagwave goodbye sila sakin habang nakasakay sila sa taxi. 

Naglalakad lang ako papuntang bahay dahil ilang blocks lang naman mula sa dito hanggang sa bahay. 

Ang dilim naman dito sa alley na 'to. Good luck na lang sa tatahakin kong daan. \(*.*/)

"Wow miss! Sexy ah!" Ano daw!?!?! Bastos 'to ah! >_< Hindi ko na lang sila pinansin at binilisan ko na lang ang paglakad ko. 

"Hoy miss! Nagmamadali ka ata! Dito ka muna! Wahahahah" Tatakbo na sana ako pero nahawakan ako sa braso nung lalaki. Hinila nya ko at pinalubutan ako ng ilang mga lalaki. Waahh!!! Tulong!!! T____T Bata pa po ako!! T____T

"A-ano ba!! Bitiwan nyo ko!! TULONG!!!!!!" Sobra akong sumigaw nun dahil takot na takot ako kung anong pwedeng gawin sakin ng mga unggoy na to. 

"Wahahaha!! Tingin mo ba ganun lang kadali yun? Wahahaha!!" Muntik nya na ko hawakan dun sa *toot* *toot* kaya sinipa ko sya sa *toot* *toot* nya. Tumakbo ako pero naabutan pa rin ako nung mga unggoy na mongoloid na yun. 

"Hey! Leave her alone!" Halos mahimatay ako sa narinig ko. Sya ba yun? Yung bacteria na ex ko tinutulungan ako?!!? O_______O

Binugbog nya yung mga lalaki kasama yung mga kaibigan nya. Huwaw. Hindi naman sya ganyan nung 'kami' pa ha. No. Bad word yung 'kami pa' >__<

Pero ang lakas nya. Natalo nila yung mga bad guys. Waahhh Salamat TvT  Lumapit sya sakin at nag thank you naman ako sa kanya. Hinatid nya ko sa bahay, medyo awkward nga eh. Ang weird. Kami yung sabay maglakad habang nasa likod namin yung dalawa nyang kaibigan na sila Trey at Timothy. 

"Salamat ulit. Night." :)

"Good night. Basta wag ka na ulit maglalakad ng mag-isa lalo na pag gabi." Ngumiti sya sakin at tumalikod na, "Next time lagi mo na kong isasama." May sinabi pa sya sa huli pero mahina lang. Ha?? 

"May sinabi ka?" 

"Wala. Good night."

Naglakad na sya palabas ng gate kasama sila Trey at Timothy. Pumasok na ko sa loob ng bahay habang kumakain ng hapunan sila mama at papa.

"Anak kain na" Sabi ni mama.

"Diba si  Francis yun? Yung ex mo?" O_o Nakita pa nila yun? O_o

"Ah eh baka po nag hallucinate lang kayo. Ano po ba yang ulam?" 

"Menudo 'to, di mo ba alam? Kumakain ka naman nito ah. Siguro si Francis nga yung nakita ko at natataranta ka nanaman dyan! Hahaha!" XD

"Ah eh hindi po ah! Inaantok lang po siguro ako. Sige po akyat na ko sa kwarto ko" Umakyat na nga ako at nagbihis. Hindi ko na kinwento yung mga nangyari lalo na dun sa dark alley. Sure kasi ako na mag-aalala lang sila at baka sugudin pa yung mga yun. Nevermind na lang. 

Nagbukas na lang ako ng tv at nanood ng movie sa HBO. Yung Alvin and the Chipmunks Chipwrecked. Kyaah!! Ang cute ni Theodore!! Ang taba~!! :3

Matatapos na din siguro 'tong movie kasi nandun na sila sa part nung pinakuha yung isang chipette nung babaeng masama ng kayamanan sa parang hidden cave. 

Pagkatapos nung movie nilipat ko sa Nickelodeon, yung Drake and Josh ang palabas. Alam nyo ba yun? Yung sila Drake Parker at Josh Peck na may kapatid sila si Megan? Palabas kasi ngayon yung episode na kinuha nila yung camera ni Megan tapos nacute-an sila sa hamster na alaga nya tapos nipicture nila tapos akala nila namatay yung hamster? Pasensya na sa pagpapaliwanag ko ah XDD Hindi kasi ako magaling sa mga explanation ek ek na yan eh XD

Ang cute ni Drake~!! (ᵔᴥᵔ)

*RING*

"Hello?" 

"Hi Mel..." 

"Sino 'to?" 

"Grabe ka naman. Kanina lang tayo nagkita hindi mo na ko kilala."

"Francis?" 

"Yup."

"Wow. Hindi pa pala deleted number ko sa cellphone mo." 

"Ahehe. Mel?"

"Bakit?"

"Mel, pwede bang maging friends ulit tayo? Kahit friends lang."

"Ha?"

"Please."

"Uh, o-okay" 

"Salamat, Mel! Basta kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako." 

"Uhm okay......" 

"Nandito lang ako para ipagtanggol ka, protektahan ka at mahalin ka, I will be your everything."

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon