#6

84 2 2
                                    

 #6 - Night and Shining Armor

Maggie's Point of View

"Eh ano sabi nya?" Kausap ko ngayon si Melanie sa cellphone. Tumawag kasi sya sakin, may tinatanong tungkol sa ex nya.

"Sabi nya pwede daw ba kaming maging friends ulit tapos may sinabi sya sa huli pero hindi ko masyadong narinig tapos binaba nya yung cellphone nya tapos-" Ang bilis naman nito magsalita .__.

"Ano ulit?!?! Wala naman ako naintindihan sayo eh. Medyo bagalan mo kasi." 

"Saaabbiii nyaaa, ppweeedddeee ddaaaawwww-" 

"Wag naman yung ganyan kabagal" =_=

"Sabi nya, pwede daw ba kami maging friends ulit. Tapos may sinabi sya sa huli na hindi ko masyadong naintindihan. Tapos binaba nya na yung phone nya." 

"Ahh. Eh di ok pala. Friends na kayo....ulit" Sabi ko sa kanya

"Yun nga eh. MALAKING problema yun. Kasi ang awkward kaya....ang dami naming pinagsamahan dati, sinaktan nya ko...nagmove on naman ako tapos friends kami ngayon." 

"HAAYY nako. Eh di friends na lang kayo tapos wag mo sya masyadong pansinin!" 

"Eh di nagalit yun. Sabihin pa nya na snob ako" 

"Grr. Bye" 

"Oii wait-"

*END CALL*

Ang gulo nya kausap -_- 

Ace's Point of View

*knock*

*knock*

"Bakit?" Sigaw ni MAggie sa loob ng kwarto nya. Kakain na daw kasi kami ng almusal kaya pinapatawag sya sakin ni tita.

"Kain na daw tayo" 

"KYAAH! Uhm sige mauna ka na" Sumigaw sya? Bakit? 

"Ok sige. Hinatayin ka na lang namin sa ibaba" Nagpunta na ko sa kusina at naupo sa hapag kainan. Binigyan ako ni tita ng hotdog, eggs, rice at pancakes. Sabi ko pancakes na lang pero tumanggi sya. Sabii nya ang payat ko daw kaya kailangan kong kumain ng madami XD

"Don't worry anak, madami pa doon sa kusina. Kainin mo lahat yan para tumaba ka naman. Oh Maggie, ayan ka na pala have a seat" Naupo si Maggie sa upuan na katabi ko. 

"Paabot ng eggs" Tinuro nya yung plato ng eggs na malapit sakin.

"Salamat. Uh, gusto mo punta tayo sa badminton court mamaya? Boring kasi dito sa bahay. Aalis daw sila mama at papa papuntang trinoma, diba dad?" Tumingin si Maggie sa dad nya at sumang ayon naman ang dad nya. 

"Wala akong damit na pang badminton" Hindi naman sa ayaw kong sumama, pero wala lang talaga akong damit na pangbadminton. Besides, hndi din ako marunong ng sport na yan. 

"Don't worry, Ace. Si papa madaming damit na ganyan. Payat naman sya kaya sure ako kasya lang ang mga iyon sayo." Alam ko anghel ako kaya bawal kong sabihin ang mga salitang to: Kung umasta naman tong si Maggie parang girlfriend ko sya -_- 

"Uh, sige" 

"One way na din yun to earn my trust, remember our deal?" Bulong nya sakin in a way na hindi naririnig ng dad nya. 

"Uhm yeah." Kumain na lang ako at naligo na. Hiniram ko din yung black and blue na damit ng papa nya para makasama sa badminton.

*knock*

*knock*

*knock*

"Ready ka na, Ace?" Tanong sakin ni Maggie sa labas ng pintuan. 

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon