#7

77 1 1
                                    

#7 - Party

Francis's Point of View

Ang tagal naman nya maligo......Lumapit ako kay tita para itanong kung tapos na maligo si Melanie, "Tita...nasan na po si Melanie?" Mukhang natrauma si tita nung nakita nya ko....ang weird.

"Ah, check ko lang. Baka nagbibihis na yun" Dali-daling pumasok ng kwarto si tita para tignan kung tapos na si Mel. "Nag-aayos na lang. Malapit na yun, hijo." Hinintay ko sya makalabas ng kwarto.

"Okay lang ba? Parang ang sagwa kasi ng suot ko eh" -_-"

"Uh, hindi, hindi. Ang ganda mo nga eh." Hindi naman ako nagbibiro nung sinabi ko yun pagkalabas ni Mel ng kwarto. Ang ganda nya......

"Pssh. Binola mo pa ko. Dun tayo sa labas..." Hinila nya ko sa labas habang hawak yung kamay ko. "Teka, nandun yung mga pagkain eh" Pagtatakang sabi ko sa kanya. 

"Basta. Sunod ka na lang, okay?" Naupo kami dun sa parang upuan na swing dun sa may garden nila. 

"Hmm" Nakapikit na sabi ni Mel habang huminga sya ng malalim. "Ang sarap dito diba? Ang hangin." Tumango ako at inenjoy na din yung masarap na hangin...

"By the way, gusto mo ba pumunta sa Lock Night namin sa school?" Nahihiyang tanong ni Mel.

"Anong Lock Night?"

"Parang party sya every year para sa mga high schoolers. May mini concert din na pwedeng kumanta yung students sa stage. Wanna go for it?"

"Uhm, sure" :)

Biglang pumasok sa isip ko. Pano kung kantahan ko sya sa gabing yun? Ginagawa naman yun ng friends diba? Pero parang nakakahiya, pag-iisipan ko muna. 

Ilang minuto kumuha na kami ng pagkain sa loob at lumabas ulit para kumain. Ang tahimik pala dito sa garden, konti lang kasi mga tao dito, sa totoo lang kami nga lang ata nandito. 

 *DING DONG*    

"Teka lang buksan ko lang yung gate" Tumayo si Melanie para tignan kung sino yung nag doorbell.      

"Ako na. Maupo ka na lang diyan" :)        

  Lumapit ako sa gate at nakita ko si Maggie at isang lalaki.      

    "Oh? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanila. Kakilala ko na si Maggie dahil kaibigan na dati ni Mel si Maggie.

Pero hindi ko kakilala yung kasama nya.       

    "Ah, my nakalimutan kasi ako dito nung isang araw. Nasan si Mel?" Tanong sakin ni Maggie.               

"Nandun sa garden kumakain. Sino kasama mo? Boyfriend mo ba yan?"

Tanong ko sa kanya.           

 Nagtinginan naman silang dalawa. "Hindi noh. Sya si Ace. Friends lang kami."

Tpos tumungo na sa garden sila Maggie at si Ace.       

Sumunod ako sa kanila. "Mel! May naiwan ata ako sa inyo nung isang araw, yung ipod ko na blue. Nakita  mo ba?" Sabi ni Maggie kay Mel.

Tumayo si Mel at pumasok sa bahay nila.    

 May hinalungkat sya sa drawer sa may sala at kinnuha yung ipod ni Maggie. "Thanks! May party pala dito ah. Di mo kami ininvite, talagang si Francis lang ah!" XD        

 "H-hindi naman. Party to ng mga kaofficemates ni mama. Nagkataon lang siguro na officemates sila ng parent nya at mommy ko." :)      

"Sus. Sige iwan na namin kayo~!! Bye!" Lumabas na yung dalawa sa gate at naiwan nanaman kami ni Mel dalawa. Lumabas ulit kami sa garden para ipagpatuloy ang pagkain.       

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon