Chapter 3

338 17 2
                                    

"And we're here!" masiglang sabi ni John pagkababa ng kotse.




Ipinasok ko ang kotse sa loob. Pinagbuksan naman kami ng mga yaya dito. Nandito kami ngayon sa Tagaytay kung saan permanenteng tumitigil si Chloe at si Mama. Isa itong malaking bahay na nasa medyo nakatagong lugar. Walang nakakaalam sa mga fans ko na nandito ang bahay ko. Tanging mga kaibigan at pamilya ko lang. Dito ako nakatira noong mga panahong di pa ako sikat. Pati na rin si John.





"MA! SINA KUYA DUMATING!" tumakbo agad palapit sa akin si Chloe at niyapos ako.




"NASH! JOHN! JUSKO NAMISS KO KAYO!" oo, ganyan ka-OA si Mama ngayon kasi ilang buwan kaming hindi nagkikita. Hanggang text o tawag lang kami or social media ganyan. "Tara sa loob at kakain tayo!"




Pumasok kami sa loob at ganon pa rin ang aura sa bahay. Kahit yung mga katulong namin dito masaya sa pagdating namin. Isa isa namin silang binati ni John. Sobrang saya namin ngayon.




...


"Masarap ba yung niluto ko?" tanong ni Mama habang kumakain kami. Ang daming handa. Nakakapanibago. Hindi naman kami ganito kayaman dati eh.




"Sarap Tita! Nag level up ka na ah!" masayang sagot ni John habang kumakain.




"Wow, Ma. Nakakapanibago." sabi ko habang kumakain at nag iisip.




"Ang dami nang pinagbago simula nung araw na yon." sabi naman ni Mama na medyo natigilan pa. Totoo nga naman eh.






FLASHBACK




Simula nang mamatay si Papa, nabaon kami sa utang nina Mama. Wala na kaming makuhanan ng ipapangkain namin, ipapang-gastos sa araw araw, at perang gagamitin sa pagpasok hanggang sa nagtrabaho ako sa isang carwash at nagtrabaho para makatulong kay Mama.




May isang magarang kotse na pumasok at nagpacarwash. Bumaba ang mga sakay sa kotse. Mukhang mga mayayaman. Bumaba ang isang matandang naka suit pati ang isang babae na halos kaedad ko lang. Maganda, mayaman, halata sa pananamit niya yun.

Off Cam [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon