Chapter 9

148 5 2
                                    

After 1 year.. grabe. Ngayon ko na lang ulit naalala ang story na 'to! Sana may nagbabasa pa neto. (Sana lang talaga otor, matapos mong iwan to ng 1 year haha!)


Let's continue the story! Mabuhay ang NashLene, NashLexa, SharQuin, Jailene at Gimme 5 haha!


...

CONTINUATION OF SHAR'S FLASHBACK

Nandito kami ngayon ni Mr. Jairus the sungit  sa isang restaurant dito sa mall kung saan kami nagkita. Sarap ng foods mga bes! Wowie! Libre ko dapat eh, kaso sabi siya na raw. Eh di sige.



"Hinay hinay ka lang sa pag kain Shar. Ilang araw ka ba hindi napakain sa inyo?" tanong nito sakin habang hinahalo ang chocolate shake niya. Ang sama makatingin ha.


"Bakit ba ha. Ang sha-rap lan-g *nom nom* ka-shi kumain!" sobrang gutom na talaga ako kaya wala na kayong magagawa. Kanina pa kaya ako lumilibot sa mall para lang maaliw. Hay.



Maya maya rin ay naubos ko na rin ang mga pagkain na inorder niya. Pero ang bait nitong si Sungit infairness. Lahat ng tinuro ko kanina habang umoorder kami, binili nga niya. Hahahaha.


Napatingin ako sa relo ko at napansin kong 8pm na pala ng gabi. Kailangan ko na makauwi. May mga assignments pa ako na kailangan gawin pati na rin mga exams. Konting araw na lang naman at gragraduate na ako dito sa isang unibersidad sa L.A. Ano nga bang course ko? Major in theater. Passion ko na talaga siguro ang music, and nalaman ko rin na passion ko ang acting habang nag aaral ako.


"Sungit! este Jairus! Uwi na ako ha. Thank you ng maraming marami sa foods! Binusog mo ako haaayy." sabi ko habang hawak hawak ko ang tiyan ko. Busog talaga. "Sana next time, magkasalubong ulit tayo tapos libre mo ulit ako hehehe."


"San ka ba nakatira? Hatid na kita. Konsensya ko pa kapag may nangyare sayo. Tss." sabi nito sabay nag roll eyes. Sungit mo talaga kainis.


"Dun sa may apartment sa *insert isang street sa L.A.* Wag mo na ako ihatid, baka malayuan ka." sabi ko dito.

"Walang problema. Dun din ako nakatira eh. Hahaha!" bigla siya tumawa. Ay sus. Pogi naman pala kapag tumatawa. "Tara na gabi na." sabi nito ang nagsimula na kami maglakad.


APARTMENT

Hinatid niya ako sa room ko. Nagpa thank you ako sa kanya sa araw na to. Akalain mo, may new found friend na ako kahit masungit. Busog ka naman hahahahaha.


"Uy thank you ha!" sabi ko habang kumakatok para mapagbuksan na ako ni Mama. "Nga pala, pumapasok ka ba? Dito ka ba nakatira sa L.A.? Nagbabakasyon lang? Bakit umalis ka ng Pilipinas? May girlfriend ka ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nacurious ako bigla sakanya eh. Hindi ko man lang nalaman background niya. Baka mamaya killer 'tong nakasama ko. Gwapong killer naman. Haha!


"Tss. Hahaha." sabi niya sabay tawa. Bagay talaga sayo nakangiti. "Kung gusto mo malaman ang mga sagot sa mga katanungan mo, labas ulit tayo next time." Sabi neto sabay kindat. Grabe siya oh. Pumopogi Lalo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Off Cam [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon