ALEXA's POV
"Alexa.."
"O-oh! H-hi babe!" I tried my best to smile at them kahit nagseselos ako.
"Naparito ka ata? Wala kang gagawin ngayon?" tanong sakin ni Nash. Bat mukhang ayaw pa niya ata?!
Actually kanina pa akong nakarating dito sa tambayan ng G5. Nagpahatid ako sa driver namin. Pagpasok ko ng sa gate, malayo pa lang ako, natanaw ko agad si Nash at yung babaeng kasama niya. Pinanood ko muna sila. Si Sharlene ata yung babae? Familiar na siya sakin.
Bakit ganun makatingin si Nash sakanya? Parang may meaning. Pero di dapat ako magalit or magselos kasi baka nagkakamali lang ako.
Habang kumakanta si Sharlene, nakatitig sa kanya si Nash at mukhang feel na feel pa niya pagtingin ah. Sino ba namang di magseselos sa ganun? Di ko na napigilan ang luha ko. Argh! Gagawa pa ako ng eksena dito kainis.
"A-alexa!" lumapit kaagad sakin si Nash at hinawakan ang magkabila kong pisngi, "Why are you crying?! Anong nangyare?"
Sakto namang dumating dito sa garden si Jairus at Brace. Nakita ko ang pag iiba sa mood ni Brace at agad itong lumapit kay Nash at hinawakan sa kwelyo niya.
Agad itong sinuntok ni Brace sa mukha. Bigla naman natumba si Nash at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nito. Tinulungan naman agad ni John makatayo si Nash at pinigilan din ito.
"Bro tamana!" John.
"HOY! ANONG GINAWA MO KAY ALEXA HA?!" bigla naman nagsidatingan si Joaquin at Grae. Pinigil naman ng mga ito si Brace. Agad na nilapitan ni Jairus si Shar.
"Brace, ano nangyayare dito?!" Joaquin.
"Tigil niyo na yan! Magkakasakitan lang kayo!" Grae.
"Anong problema mo ha?! Tinatanong ko pa nga siya kung bakit siya umiiyak eh! Wala din akong alam!" at ginantihan din naman ito ni Nash ng isang suntok.
"N-nash, tamana!" sigaw ko sa kanya pero tiningnan lang ako nito.
Agad na tumayo si Brace. Umalis na si Nash at pumasok na sa loob. Agad na nagsunuran sina Joaquin, Grae at Sharlene. Argh! Naiiyak na naman ako!
"B-brace." naramdaman ko naman na niyakap niya ako at pinapatahan.
"Let's go somewhere. Dun natin yan pag-usapan." sabi nito sakin at kumalas sa yakap.
"Saan?" pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ito.
BINABASA MO ANG
Off Cam [NashLene]
Teen FictionAno nga ba ang nangyayare sa kanila sa likod ng mga camera? Katulad ba ito ng mga napapanood natin sa TV? Nababasa sa mga magazines? Sa mga dyaryo? At nakikita sa social media? Paano kung mayroon pala silang kakaibang karanasan sa likod ng mga c...